^

PM Sports

SMBeermen 2-0 na

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines – Sadyang si June Mar Fajardo ang masasandalan ng Beermen sa oras ng kagipitan.

Iniskor ng 2014 Most Valuable Player ang 10 sa huling 11 puntos ng San Miguel sa huling limang minuto sa fourth quarter para gibain ang Talk ‘N Text, 87-81 sa Game Two ng kanilang semifinals series sa 2014-2015 PBA Philippine Cup kagabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humakot ang 6-foot-10 na si Fajardo ng 15 points, 12 rebounds, 3 assists at 2 shotblocks para ihatid ang Beermen sa 2-0 bentahe sa kanilang best-of-seven semifinals duel ng Tropang Texters.

“Si June Mar sa end ng fourth quarter talagang nag-shine siya dahil sa free throws niya,” sabi ni coach Leo Austria sa Cebuano giant.

Nagposte naman ang balik-San Miguel na si point guard Alex Cabagnot ng 21 pointrs, 3 boards at 1 assist, habang may 14 markers si Chris Lutz at 10 si Arwind Santos.

Naglista ang San Miguel ng 11-point lead, 30-19 sa pagsilip ng se-cond period kasunod ang pinakawalang 19-2 atake ng Talk ‘N Text para makalapit sa 30-32 agwat.

Huling nakadikit ang Tropang Texters sa 81-82 sa 1:58 minuto ang oras sa fourth quarter.

Apat na magkakasunod na free throws ang isinalpak ni Fajardo para ibigay sa Beermen ang 86-81 abante sa natitirang 38 segundo matapos ang apat na mintis ng PLDT franchise.

Samantala, pupuntiryahin ng Rain or Shine ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa pagsagupa sa Alaska sa Game Three ngayong alas-7 ng gabi.

SAN MIGUEL 87 – Cabagnot 21, Fajardo 15, Lutz 14, Santos 10, Lassiter 8, Tubid 7, Fortuna 5, Pascual 3, Maierhofer 2, Ross 2, Kramer 0, Omolon 0, Chua 0, Semerad 0.

Talk ‘N Text 81 – Castro 26, Washington 17, Rosser 11, De Ocampo 10, Carey 6, Fonacier 4, Aban 3, Williams 2, Seigle 2, Alapag 0, Alas 0, Reyes R.J. 0, Reyes R. 0, Espiritu 0.

Quarterscores: 25-19; 41-40; 63-61; 87-81.

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

BEERMEN

CHRIS LUTZ

FAJARDO

N TEXT

REYES R

SAN MIGUEL

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with