^

PM Sports

Jockey Jessie Guce pasok na sa P2-M kita

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kinuha  ni Jessie Guce ang taguri bilang kauna-unahang hinete na pumasok sa dalawang milyon kita habang anim na hinete ay may mahigit isang mil­yon na napanalunan sa larangan ng horse racing.

Pumalo na sa P2,335,361.81 ang kinita ni Guce matapos ang 540 takbo para manatiling nangu­nguna sa hanay ng mga hinete.

May 90 panalo, 84 segundo, 72 tersero at 79 kuwarto puwestong pagtatapos ang mga kabayong sinakyan ni Guce.

Kay Fernando Raquel Jr. ang taguri bilang may pinakamaraming panalo na nailista matapos ang unang anim na buwan sa 92 panalo sa 367 takbo.

Pero si Raquel na may 56 segundo, 43 tersero at 39 kuwarto puwestong pagtatapos ay nasa ikatlong puwesto lamang sa talaan sa kanyang P1,920,905.07 premyo.

Si Mark Alvarez ang pumapangalawa kay Guce sa P1,929,407.72 sa 464 takbo na kinatampukan ng 82 panao, 74 segundo, 54 tersero at 55 kuwarto puwesto.

Nasa ikaapat na puwesto si Jonathan Hernandez bago sumunod si Pat Dilema habang sina Jordan Cordova at Dominador Borbe Jr. ang nasa ikaanim at pitong puwesto at nakasama sa millionaire’s list sa hanay ng mga jockeys.

Kumabig na si Hernandez ng P1,747,007.51 sa 265 takbo mula sa 75 panalo, 45 segundo, 41 tersero at 25 kuwarto puwesto habang si Dilema ay nanalo na ng P1,629,489.66 sa 345 takbo gamit ang 77-56-48-43 karta.

Si Cordova ay may P1,132,408.18 sa 290 takbo bitbit ang 61-35-29-17 una hanggang ikaapat na pagtatapos habang si Borbe ay may P1,002,311.42 premyo sa 283 takbo sa 39-42-34-32 baraha.

Nasa ikawalong puwesto si John Alvin Guce sa P935,254.55 sa 113 takbo (28-20-12-12). Ma­laking tulong sa pag-angat ni Guce ang pagkapanalo sa naunang dalawang yugto sa 2014 Philracom Triple Crown gamit ang Kid Molave.

Ang nasa ikasiyam na puwesto ay si JD Juco sa P919,615.99 sa 241 sakay (36-43-49-27) habang si Kevin Abobo ang nasa ika-sampung puwesto sa P882,305.59 sa 221 takbo (34-46-34-27).  (AT)

vuukle comment

DOMINADOR BORBE JR.

GUCE

JESSIE GUCE

JOHN ALVIN GUCE

JONATHAN HERNANDEZ

JORDAN CORDOVA

KAY FERNANDO RAQUEL JR.

PUWESTO

TAKBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with