Anthony magdedesisyon sa susunod na buwan
NEW YORK -- Umaasa si New York Knicks forward Carmelo Anthony na makakagawa na siya ng desisyon sa susunod na buwan hinggil sa kung saan siya maglalaro para sa darating na season.
Iniwan ni Anthony ang kanyang kontrata sa Knicks para maging isang unrestricted free agent at maaaring makipag-usap sa anumang koponan simula sa Hulyo 1.
Sinabi ng isang source na wala pang NBA team na napupusuan si Anthony.
Inaasahang makikipag-usap siya sa Knicks, Chicago Bulls, Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Dallas Mavericks.
Hindi naman nabanggit ang Miami Heat.
Tanging ang naturang mga koponan lamang ang bibisitahin ni Anthony sa mga unang araw ng free agency.
Ayon sa source, mahal ni Anthony ang New York at masaya sa paglalaro sa Knicks, ngunit may mga kuwestiyon siya sa prangkisa.
Ilan dito ay ang direksyon na gustong tahakin nina first-year president Phil Jackson at first-year coach Derek Fisher at ilang taon pa ang kakailanganin para maging isang NBA champions ang Knicks.
Maaaring alukin ng Knicks si Anthony ng mahabang kontrata at mas malaking suweldo sa loob ng limang taon.
Ang pinag-uusapang suweldo ni Anthony ay $130 milyon kumpara sa posibleng makuha niyang $96 milyon kung lilipat siya ng ibang koponan.
Nauna nang sinabi ni Jackson na tinanong niya si Anthony na pumayag sa mas maliit na suweldo para manatili sa Knicks.
Sinabi rin ni Jackson na handa siyang bigyan si Anthony ng maximum contract kung ito ang kailangang gawin para patuloy siyang maglaro sa New York.
Inaalala ng 30-anyos na si Anthony ang kanyang edad na pinili niyang hindi ilaro ang huling taon niya sa Knicks na nagkakahalaga ng $23.3 milyon.
- Latest