^

PM Sports

Malaya rumemate para manalo sa stakes race

Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi ininda ng kabayong Malaya ang pagkakala­gay nito sa stall number 14 nang makapagtala ng kum­binsidong panalo sa 2014 1st Leg Philracom Hopeful Stakes race kahapon sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Ang tatlong taong filly na pag-aari ni Mandalu­yong City Mayor Benhur Abalos at ginabayan ni Jo­nathan Hernandez at nakuntento mula sa pang-apat na puwesto sa alisan bago inunti-unti ang pagbangon para pagpasok sa rekta ay hawak na ang kalamangan sa 1,600-metro distansya.

Naorasan ang top favorite sa 14 na kabayong nag­laban sa nakuhang Daily Doubles sales na P452,810.0 sa P762,261.00 kabuuang benta ng kahanga-hangang 1: 37.6 sa kuwartos na 24’, 23’, 23 at 26’.

Halagang P1 milyon ang kabuuang premyo na pi­naglabanan sa karerang suportado ng Philippine Ra­cing Commission at ang Malaya ay nag-uwi ng P600,000.00.

Ang kahanga-hanga sa ipinakita ng nasabing ka­bayo ay ang katotohanang hindi na ginamitan ni Hernandez ng latigo ang kabayo at itunulak-tulak lamang nito ang Malaya para bumulusok.

Ang fourth choice sa karera na Love Na Love na hawak ni Mark Alvarez at naunang nagdala ng liderato sa unang bahagi ng karera ay nalagay sa pangala­wang puwesto, habang ang mga kabayong Wild Talk ni RG Fernandez at Jazz Again ni apprentice rider JL Paano ang siyang nalagay sa ikaapat na puwesto sa datingan.

 Naunang umalagwa ang Love Na Love bago su­munod ang mga kaba­yong Lucky Leonor at Jazz Again habang ang Ma­laya ang nakabuntot.

Pero habang tumagal ang labanan ay lalong nag-init ang Malaya para sa malakas na pagtatapos.

Bunga ng panalo, ang Malaya ay maaaring su­mali sa second leg ng Tri­ple Crown Championship na itatakbo sa Hulyo 22 sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Ang stablemate ng Ma­laya na Kanlaon ay isa sa siyam na kabayo na tatakbo sa 1st leg ng Tri­ple Crown Cham­pionship na tampok na karera sa ha­pong ito sa ikatlong race track sa bansa. (AT)

vuukle comment

CITY MAYOR BENHUR ABALOS

CROWN CHAM

CROWN CHAMPIONSHIP

DAILY DOUBLES

HERNANDEZ

JAZZ AGAIN

LEG PHILRACOM HOPEFUL STAKES

LOVE NA LOVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with