^

PM Sports

Bagong record sales sa horse racing

Pang-masa

MANILA, Philippines - Muling gumawa ng record ang horse racing nang naitala ang pinakamalaking weekly total sales  sa dinaos na karera mula Abril 21 hanggang 27.

Mga Philracom Ra­cing Festivals ang na­ging tampok na karera sa nasabing pitong araw na karera pero tinangkilik ito ng bayang  karerista matapos ang P179.4 mil­yon sales nito.

Ang naitalang kita ay pinakamataas sa loob ng dalawang taon at ang naka­higit lamang dito ay ang pakarera sa ikatlong linggo noong Disyembre 2013 dahil sa idinaos na malalaking stakes races.

Pero kapansin-­pansin din na ang agwat ng sales sa ikatlong linggo ng Dis­yembre at noong Abril ay wala pang isang milyong piso kaya’t masasabing mas maganda pa rin ang kinita noong nakaraang buwan dahil walang stakes race na isinagawa rito.

Ang P179.4 milyon sales sa pitong araw na karera ay higit sa naiposteng P170 milyon na naiposte sa ganitong dami ng araw ng pangangarera noong Marso 31 hanggang Abril 6.

Lumalabas na ang pinakamalaking sales sa isang six-day racing ay nasa P163.5 milyon na naitala mula Marso 18 hanggang 23.

Bunga ng magagandang sales na ito, lalabas na ang weekly average sales mula Disyembre 2013 hanggang Abril 2014 ay nasa P158.4 milyon.

Ito ay malayo kung ikukumpara sa ganitong buwan sa huling dalawang buwan dahil nasa P149.5m ang ave­rage sales noong 2013 at P144.8 milyon noong 2012.

Nakikita rin ng pamu­nuan ng Philracom sa pangunguna nina chairman Angel Castano Jr. at commissioner/executive director Jess Cantos na hindi mararamdaman ang sinasabing mahinang kita sa horse racing kapag buwan ng Abril dahil sa magandang pagtangkilik ng mga mananaya.

Nauna nang iniulat ng Philracom ang pagtaas ng kita ng halos 8.34 percent mula Enero hanggang Marso.

Tinuran ng Philra­com sa dahilan ng pala­kas ng palakas na hakot ng horse racing ay ang pagkakaroon ngayon ng mara­ming classes o grupo na puwe­deng salihan ng mga panga­rerang kabayo bukod pa sa pinagandang pa­premyo na nakakaeng­ganyo sa mga horse ow­ners.

Bunga ng mga reporma na ito, hindi malayong higitan ng 2014 ang kabu­uang kinita ng 2013 na nasa P7.78 bilyon. (AT)

vuukle comment

ABRIL

ANGEL CASTANO JR.

BUNGA

DISYEMBRE

JESS CANTOS

MARSO

MGA PHILRACOM RA

SALES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with