UNESCO tutulong sa PSC sa doping
MANILA, Philippines - Tutulong ang United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) sa plano ng Philippine Sports Commission (PSC) na nationwide campaign laban sa droga.
May titulong “Awareness and Commitment campaign on Anti-doping in the Philippinesâ€, makakatuwang ng PSC sa pagsulong ng proyekto ang Philippine Center for Sports Medicine (PCSM) at layunin nila na ituro ang mga masamang epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot lalo na sa palakasan.
Ang Pilipinas ay makailang-ulit na rin na natatanggalan ng medalya sa kompetisyon sa labas ng bansa dahil hindi alam ng mga manlalaro at kanilang coaches ang mga gamot na ipinagbabawal ng mga international federation.
Ang problema na ito ay inaasahang masosolusyunan sa planong pagsasagawa ng Regional Anti-do-ping Conference at National Summit.
“We are very thankful for the support extended to the Philippines by UNESCO. They will be releasing $20,000.00 (halos P875,000.00) for our awareness campaign on doping,†pahayag ni PSC chairman Ricardo Garcia.
Naisara ang pagtutulungan nang nagkaharap sina Garcia, PCSM chief Dr. Alejandro Pineda Jr. at UNESCO secretary-gene-ral sa Pilipinas na si Virginia A. Miralao kamakailan.
Sa ipinasang plano ng PSC sa UNESCO, dalawang regional confe-rences at isang National Conference ang idaraos.(AT)
- Latest