Patuloy sa pagdausdos ang Pacers sa Yahoo NBA power rankings
1. San Antonio Spurs (60-17; ranking nila last week: 1): Iniwan ni Tony Parker ang Memphis sa kanilang laro noong Sabado dahil sa back spasms. Nag-miss siya ng 10 games ngayong season dahil sa pananakit ng kanyang likod.
2. Oklahoma City Thunder (55-21; ranking nila last week: 2): Ang Thunder ay may two-game lead sa Clippers sa loss column – para sa No. 2 playoff seed ng West. Bibisitahin nila ang Clippers sa Miyerkules.
3. Los Angeles Clippers (55-23; ranking nila last week: 3): Hawak ng Clippers ang 2-1 lead sa kanilang season series kontra sa Thunder. Ang Clippers ay 32-6 ngayong season sa Staples Center.
4. Miami Heat (53-23; ranking nila last week: 4): Haharapin ng Miami ang Indiana sa Biyernes sa larong makakatulong para madermina kung sino ang magiging top seed sa East. Ang Indiana ay may 2-1 season series lead.
5. Houston Rockets (51-25; ranking nila last week: 5): Tila malalagay ang Rockets sa fourth seed ng West. Ang natitirang laro ng Houston laban sa isang playoff team ay kontra sa Spurs.
6. Portland Trail Blazers (50-28; ranking nila last week: 7): Ang fifth seed sa West na Blazers ay magho-host sa sixth-seed na Golden State sa Linggo. Lamang ang Warriors sa season series sa 2-1.
7. Golden State Warriors (48-29; ranking nila last week: 8): Hindi alam kung kailan makakabalik si David Lee dahil sa nerve irritation sa kanyang right hamstring.
8. Indiana Pacers (53-25; ranking nila last week: 6): Lalong dumausdos ang Pacers matapos lumasap ng 19-point home loss laban sa Atlanta. Ang Pacers ay talo ng pito sa kanilang huling 10-laro.
9. Dallas Mavericks (47-31; ranking nila last week: 11): Nanalo ang Mavericks ng apat na sunod at may 1 ½ games ang layo sa nauunang Warriors para sa sixth seed ng West.
10. Phoenix Suns (46-31; ranking nila last week: 9): Kasalukuyang hawak ng Suns ang eigth seed sa West at may 1-game na kalamangan sa Memphis matapos ang kanilang malaking tagumpay kontra sa Thunder noong Linggo.
- Latest