Petro Gazz may ‘regalo’ sa Pasko
MANILA, Philippines — Isang regalo ang turing ni Brooke Van Sickle sa straight-set win ng Petro Gazz kontra sa Cignal HD noong nakaraang Sabado bago ang Christmas break ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Humampas ang Fil-American outside hitter ng 19 points sa 25-19, 25-21, 25-18 pagwalis ng Gazz Angels sa HD Spikers para ilista ang 5-1 record sa torneo.
“Being able to come off with a win going into the Christmas break is super huge,” wika ni Van Sickle. “Everyone who came off the bench did a fantastic job, and the starting six played just as steady.”
Ipinalasap ng Petro Gazz ang kauna-unahang kabiguan ng Cignal matapos ang 4-0 panimula sa kumperensya.
Nagdagdag si Myla Pablo ng 15 points.
Matapos ang straight-set loss sa nagdedepensang Creamline Cool Smashers noong Nobyembre 16 ay bumanat ang Gazz Angels ng apat na sunod na panalo.
“It’s one of those things – whether you’re down or ahead—you just have to stay together as a team, stay calm, and try your hardest to see what kind of magic you can make work,” dagdag pa ni Van Sickle.
May malinis na 4-0 baraha ang Creamline kasunod ang Cignal HD (4-1), Chery Tiggo (4-2), PLDT (3-2), Akari (3-3), Choco Mucho (3-3), ZUS Coffee (2-3), Farm Fresh (2-3), Capital1 Solar Energy (1-4), Galeries Tower (1-5) at Nxled (0-5).
Magbabalik ang mga aksyon sa PVL AFC sa Enero 18 tampok ang tatlong laro sa Philsports Arena sa Pasig City.
- Latest