^

PM Sports

Milka’s Advocacy

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Habang nasa break ang PVL, sinamantala ni Capital1 Solar Spikers co-team owner Milka Romero ang pagkakataon na mabisita ang ilang key cities dala ang kanyang advocacy na isulong ang sports.

Kasama ang kanyang volleyball team, naghatid sila ng clinic, at malaking sahog ang pagbabahagi ng values na matutunan sa sports.

“Our biggest advocacy is sports. We have grassroots programs where we want to support children in their journey na maging isang atleta,” ani Milka, isinusulong ang naging kampanya ng kanyang ama na si 1Pacman party list Rep. Mikee Romero.

Kasangga nila si boxing idol Manny Pacquiao sa pagsuporta sa mga national athletes at sports development in general.

Tumutulong din para sa parehong mithiin ng 1Pacman party list ang mga premyadong atleta gaya nina Jayson Castro, RR Pogoy at Aby Marano.

Mahaba ang pahinga ng PVL All-Filipino Con­ference na muli lang aarangkada sa third week ng January, 2025.

Nasa itaas ng team stan­dings ang Petro Gazz Angels (5-1), Cignal HD Spikers (4-1), Creamline Cool Smashers (4-0) at Cherry Tiggo Crossovers (4-2) pagkatapos ng hu­ling playdate sa 2024 no­ong Dec. 14.

Ang tanong eh, kung sino ang gagawa ng ma­bu­ting assignments sa long conference break.

Meron bang manga­ngampante at matutulog sa pancitan?

Ang mga cellar-dwellers ay siguradong ka­yod marino kahit holiday breather. Target nila na maituwid ang pipilay-pilay na kampanya sa resumption ng conference.

VOLLEYBALL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with