SGA binuhat ang Thunder sa panalo
ORLANDO, Fla. — Bumira si Shai Gilgeous-Alexander ng 35 points para gabayan ang Oklahoma City Thunder sa 105-99 pagpapatumba sa Magic.
Kumolekta si Isaiah Hartenstein ng 12 points at 12 rebounds para sa Oklahoma City (21-5) na natalo sa Milwaukee Bucks sa NBA Cup Finals.
Nagdagdag sina Jalen Williams, Aaron Wiggins at Alex Caruso ng tig-11 markers.
Iniskor ni guard Anthony Black ang unang siyam na puntos ng Orlando (17-12) sa fourth quarter at dinuplika ang kanyang career high na 23 points.
Nagdagdag si Goga Bitadze ng 15 points at 10 rebounds, habang tumipa si Wendell Carter ng 10 points at 13 rebounds sa ikatlong dikit na kamalasan ng Magic.
Hindi naglaro sina injured forwards Paolo Banchero at Franz Wagner.
Sa Sacramento, naglatag si LeBron James ng 19 points, 6 rebounds at 7 assists at sinira ang NBA record para sa regular-season minutes sa 113-100 pagdaig ng Los Angeles (15-12) sa Kings (13-15).
Sa Boston, nagposte si Zach LaVine nga season-high 36 points at sinuwag ng Chicago Bulls (13-15) ang 117-108 panalo sa nagdedepensang Celtics (21-6).
Sa Minneapolis, humakot si Karl-Anthony Towns ng 32 points at 20 rebounds sa 133-107 pagbugbog ng New York Knicks (17-10) sa Minnesota Timberwolves (14-12).
Sa Houston, nagsalpak si Fil-Am Jalen Green ng 34 points para igiya ang Rockets (18-9) sa 133-113 pagdaig sa New Orleans Pelicans (5-23).
Sa Toronto, kumamada si Cam Johnson ng 33 points sa 101-94 panalo ng Brooklyn Nets (11-16) sa Raptors (7-21).
Sa Detroit, bumira si Collin Sexton ng 30 points at may 27 markers si Lauri Markkanen sa 126-119 pagpapabagsak ng Utah Jazz (6-20) sa Pistons (11-7).
- Latest