Horford di na makakalaro ngayong season
ATLANTA -- Hindi magpipilit si Al Horford na magbalik sa playoffs kung papasok ang Atlanta Hawks sa postseason.
Napunit ng Hawks center ang kanyang kanang pectoral muscle noong Disyembre 26 at hindi pa nakakapaglaro hanggang ngayon.
Nagkaroon siya ng nasabing injury sa kaliwa noong 2011 at nakapag-laro sa dulo ng season.
“No. I think it would be hard. This injury, honestly, was a little more severe than the other one,’’ paliwanag niya sa mga reporters. “And it’s my right side, shooting arm, and I need to feel 100 percent confident with it, so I think it’s going to be a little bit slower.’’
Naipatalo ng Hawks ang anim sa kanilang hu-ling pitong laro na naghulog sa kanila sa No. 8 spot sa Eastern Conference.
Nagtala ang Atlanta ng 16-13 sa paglalaro ni Horford at 11-22 nang mawala siya.
Nagtala si Horford ng mga averages na 18.4 points at 8.6 rebounds bago nagkaroon ng injury.
Napuwersa siyang gamitin ang kanyang kaliwang kamay sa pagtira.
“I’ve always neglected and hated using my left hand . . . so I think this is going to really challenge me to work on that,’’ dagdag nito. “It’s a big challenge but I’m up for it.’’
- Latest