^

PM Sports

Bynum, West nag-deliver

Pang-masa

INDIANAPOLIS -- Si Andrew Bynum ang nagbigay ng lakas nang kaila-nganin ito ng Indiana. Isinalpak naman ni David West ang mga importanteng puntos sa dulo ng laro.

Umiskor si West ng 24 points, habang tumapos si Bynum na may 8 points at 10 rebounds sa loob ng 16 minuto para tulungan ang Pacers sa 94-83 paggupo sa Boston Celtics.

Ang panalo ang nagbigay sa Indiana ng 1 1/2-game lead laban sa Miami sa Eastern Conference standings.

Ang Pacers din ang naging unang koponang nanalo ng 30 home games at may league-best 30-4 sa Bankers Life Fieldhouse.

“He (West) is our backbone. He’s the one that lifts us and he’s our best late-game playmaker and shot maker,’’ sabi ni Paul George. “We always rely on David and he always digs us out of holes.’’

Kinailangan ng Pa-cers ang mga puntos ni West para wakasan ang kanilang apat na sunod na kamalasan.

At hindi rin nagpahuli si Bynum, nanggaling sa Los Angeles Lakers at Philadelphia 76ers.

Naglaro ang Indiana na wala sina backup center Ian Mahinmi (bruised left rib) at backup point guard C.J. Watson (sprained right elbow).

Nagtala si perimeter shooter Lance Stephenso ng 4-of-12 fieldgoal shooting at hindi nakaiskor sa first half.

ANG PACERS

BANKERS LIFE FIELDHOUSE

BOSTON CELTICS

BYNUM

DAVID WEST

EASTERN CONFERENCE

IAN MAHINMI

LANCE STEPHENSO

LOS ANGELES LAKERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with