^

PM Sports

May pinaghugutan si Lapaza

RCadayona - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Isa sa naging ‘motivation’ ni Reimon Lapaza sa kanyang pagkopo ng  titulo sa katatapos lamang na multi-stage bikathon ay ang pagkakatanggal ng kanyang pangalan para sa National team noong nakaraang taon.

Lumahok si Lapaza sa isinagawang tryouts ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) para sa koponang isasabak sa nakaraang 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar.

Ang una ay isinagawa sa Tarlac ngunit nagkaroon ng re-race. Nakapasok siya sa Top 10 sa isinagawang 144-kilometer qualifying race  na itinakbo sa Tagaytay.

“Nagulat na lang kami nu’ng binasa namin sa diyaryo na wala na ‘yung pangalan niya sa listahan,” wika ni Lito Patayan, ang manager ng Cycleline-Butuan Mindanao na kinabibilangan ni Lapaza, kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

Si Mark Galedo ang nanguna sa naturang qualifying race sa kanyang inilistang bilis na 3:31.33.38, habang si Lapaza ay pumuwesto sa pang-pito sa kanyang tiyempong 3:33.21.69.

“Parang naging motivation na rin sa akin ‘yung nangyari, kaya talagang pinagbutihan ko para manalo ako,” sabi ng 27-anyos na si Lapaza. “Ipinakita ko sa kanila na kaya kong manalo.”

Nag-uwi ang National team ng kabuuang 2 gold, 1 silver at 2 bronze me-dals mula sa Myanmar SEA Games.

Ang dalawang gintong medalya ay mula kina Galedo (50-kilometer individual time trial) at Fil-Am Daniel Caluag (BMX).

Sa P1.3 milyon premyo ng Cycleline-Butuan Mindanao, P1 milyon dito ay kay Lapaza bilang individual overall champion, ang tanging makukuha niya ay humigit-kumulang sa P300,000, ayon kay Patayan.

vuukle comment

CYCLELINE-BUTUAN MINDANAO

FIL-AM DANIEL CALUAG

INTEGRATED CYCLING FEDERATION OF THE PHILIPPINES

LAPAZA

LITO PATAYAN

MYANMAR

REIMON LAPAZA

SI MARK GALEDO

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with