^

PM Sports

FEU, Adamson spikers naghahabol sa Final 4

Pang-masa

MANILA, Philippines - Iinit pa ang tagisan para sa puwesto sa Final Four sa UAAP women’s volleyball sa pagharap sa magkahiwalay na laro ng FEU at Adamson ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Ang Lady Tamaraws ang  may tangan ng mahalagang ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha ngunit isang laro na napag-iiwanan ang Lady Falcons sa 4-5 baraha.

Tiyak na may mababago matapos ang sagupaan dahil magkaibang kalidad ng koponan ang kanilang makakaharap.

Ang Lady Falcons ang unang sasalang sa ganap na ika-2 ng hapon kontra sa wala pang panalong UE bago sumunod ang Lady Tamaraws laban sa mainit na three-time defending champion La Salle dakong alas-4 ng hapon.

Habang masasabing madali ang asignatura ng Adamson, dadaan sa butas ng karayom ang FEU sa Lady Archers na hanap ang ika-10 sunod na panalo at ika-26 mula pa noong Disyembre 8, 2012.

Mahahawakan ng namamayagpag na koponan ang playoff para sa mahalagang twice-to-beat advantage kung tatalunin ang FEU kaya’t asahan na maipagpapatuloy nina Abigail Maraño, Ara Galang, Kim Fajardo at Mika Reyes ang ipinakikitang dominanteng paglalaro.

Gagawin din naman nina Geneveve Casugod at Bernadette Pons ang lahat ng makakaya para tapusin ang winning streak ng La Salle at pantayan ang Ateneo  na nagsosolo sa ikatlong puwesto sa 6-4 baraha. (AT)

ABIGAIL MARA

ADAMSON

ANG LADY FALCONS

ANG LADY TAMARAWS

ARA GALANG

BERNADETTE PONS

FINAL FOUR

GENEVEVE CASUGOD

KIM FAJARDO

LA SALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with