PBA players hindi na puwede sa Gilas Team simula sa 2019
MANILA, Philippines - Ang malaking pagbabago sa qualifying format para sa FIBA World Cup ay mangangahulugang kailangan nang magkaroon ng National pool para sa Gilas.
Sinabi ni National coach Chot Reyes kamakalawa na simula sa 2019, hindi na uubra ang paghugot ng player sa PBA dahil magkakaroon na ng malaking problema sa schedule.
Ipinaliwanag ni Reyes na sa 2019, ang World Cup ay gagawin nang 32-teams mula sa 24 at magkakaroon na ng two-year qualification period na kapapalooban ng home-and-away windows sa November, February, June, September, November at February patungo sa global championships.
Ang bawat team ay lalaro ng isang home game at away game sa qualifying window. May pitong qualifiers mula sa Asia/Oceania kung saan kabilang ang Philippines kasama ang Australia at New Zealand.
Ang World Cup sa Spain ngayong taon ang huling pagkakataong magkakaroon ng 24-bansang maglalaban-laban kung saan kasama ang tatlong qualifiers mula sa Asia, na kinabibilangan ng Iran, Philippines at Korea.
Bukod sa Olympic champion na US at host Spain, ang 18 pang koponan ay qualifiers mula sa iba’t ibang one-time regional tournaments. Apat pang bansa ang idadagdag bilang wildcards.
Nag-qualify ang Pinas matapos mag-runner-up sa FIBA-Asia Cham-pionships dito sa Manila noong nakaraang taon.
“This is probably the last time we will bother the PBA for the World Cup,†sabi ni Reyes. “For the next World Cup, the two-year qualifying period will require the creation of a pool outside of the PBA. So this year’s World Cup could be our last chance to play with our best pros. This may not happen again.â€
Dahil ang qualifying process para sa 2019 World Cup na gaganapin sa tuwing ikaapat na taon, ay tatagal ng 6-buwan sa loob ng 2-taon, siguradong masasagasaan ang schedule hindi lamang ng PBA kungdi pati na rin ng NBA.
Siguradong hindi na papayagan ng NBA ang kanilang mga players na lumaro para sa World Cup qualifiers habang tumatakbo ang kanilang season.
“We actually started the Gilas pool but the players eventually turned pro and are now signed to contracts with PBA teams,†ani Reyes.
Sa ngayon, nakatuon muna si Reyes sa World Cup dahil pinaghirapan ng Gilas na mag-qualify.
Limang taon pa bago ang 2019 World Cup kaya magkakaroon ng panibagong sistema ng preparsyon para sa naturang torneo.
- Latest