^

PM Sports

Pacquiao pagreretiruhin na ni Rios sa Nov. 24

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kagaya ng dapat asahan, muling ipinagyabang ni Brandon ‘Bam Bam’ Rios na siya ang bok­si­nge­­rong magtutulak kay Man­­ny Pacquiao upang mag­retiro sa boxing.

Sa isang panayam, si­nabi ni Rios na ang kanyang knockout victory kay Pacquiao ang siyang mag­paparetiro sa Filipi­no world eight-division cham­pion.

“What am I going to do? I am going to have to beat Pacquiao. Maybe he will retire after that we don’t know,” wika ni Ri­os. “But I am going to go over there and do what I have to do and beat him and come out as the winner.”

Maglalaban sina Pacquiao at Rios para sa World Boxing Organization (WBO) International wel­terweight crown sa Nob­yembre 24 sa The Ve­ne­tian sa Macau, China.

Walang ibang nasa isip ang 27-anyos na si Ri­­os, ang dating WBO light welterweight titlist, kun­di ang pabagsakin ang 34-anyos na si Pacquiao.

“If I beat him convin­cingly and knock him out, maybe he will retire. Two big knockouts could hurt him,” ani Rios.

Ayon pa kay Rios, nag­wakas na ang makulay na boxing career ni Pac­quiao nang mabigo ki­na Timothy Bradley, Jr. at Juan Manuel Marquez no­ong nakaraang taon.

Natalo si Pacquiao kay Bradley sa isang kontro­bersyal na split decision kung saan inagaw ng huli ang hawak niyang WBO welterweight belt noong Hunyo 9, 2012.

Pinatumba naman siya ni Marquez sa sixth round sa kanilang pang-apat na pag­tatagpo noong Dis­yem­­­­bre 8, 2012.

 

BAM BAM

BUT I

IF I

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

RI

SHY

TIMOTHY BRADLEY

WORLD BOXING ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with