^

PM Sports

Depensa ang panlaban ng Meralco

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula umpisa hanggang sa katapusan ay depensa ang magiging sandata ng Meralco at ng San Mig Coffee sa kanilang best-of-five semifinals series para sa 2013 PBA Governor’s Cup.

Sinabi ni head coach Ryan Gregorio na inihanda na niya ang Bolts para sa matinding pakikipaglaban sa Mixers ni mentor Tim Cone sa kanilang serye.

“We perfectly prepared for a situation like this. It’s going to be a grind, with both teams putting emphasis on defense,” wika ni Gregorio.

Itinabla ng Meralco ang kanilang serye ng San Mig Coffee matapos kunin ang 73-69 panalo sa Game Two noong Martes.

Inangkin muna ng Mixers ang Game One mula sa kanilang 83-73 tagumpay noong Linggo.

“Limiting the Mixers to 69 points speaks a lot of the kind of desire we have in this game,” ani Gregorio sa San Mig Coffee. “Towards the end, we needed stops and we were able to make the stops. Now it’s just gonna get harder from hereon.”

Sa naturang panalo sa Game Two ay hindi pinaiskor ng Meralco si Joe Devance, humugot ng 10 sa kanyang 17 points sa fourth quarter sa Game One.

Umiskor naman si import Mario West ng 17 points para sa Bolts galing sa malamya niyang 8-fo-36 fieldgoal shooting.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban ang Petron at Rain Or Shine sa Game 2 ng kanilang sariling best-of-five semis series kagabi sa Cuneta Astrodome.

CUNETA ASTRODOME

GAME ONE

GAME TWO

GREGORIO

JOE DEVANCE

LIMITING THE MIXERS

MARIO WEST

MERALCO

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with