^

PM Sports

Eala goodbye na sa Nottingham

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy na inaalat si Filipino ace tennis player Alex Eala nang mamaalam agad ito sa kontensiyon sa 2025 Nottingham Open na ginaganap sa Great Britain.

Hindi pinalad sa kanyang unang pagsalang sa main draw ang Pinay netter nang lumasap ito ng 4-6, 3-6 kabiguan sa kamay ni sixth seed Magda Linette ng Poland sa opening round.

Matikas naman ang simula ni Eala na agad na nagpasabog ng 3-0 run sa first set.

Subalit hindi nito naka­yanan ang malakas na pagresbak ni Linetter na umarangkada ng sariling 6-1 run para makuha ang 1-0 bentahe sa pagtatapos ng first set.

Inilabas pa ni Linette ang malalim nitong karanasan sa second set kung saan hindi na nakaporma pa si Eala para tuluyang makuha ang panalo.

Mas mataas ang world ranking ni Linette na kasalukuyang nasa No. 31 sa WTA — malayo sa No. 76 na puwesto ni Eala.

Hindi nasundan ni Eala ang magandang ratsada nito sa qualifying round kung saan isa-isa nitong pinataob sina French Varvara Gracheva sa first round sa iskor na 6-3, 3-6, 6-3 at Anca Todoni ng Romania sa final round sa bendisyon naman ng 6-3, 6-7(4), 6-3.

Ang pagsabak ni Eala sa Nottingham Open ay bahagi ng paghahanda nito para sa ikatlong Grand Slam ng taon — ang Wimbledon Championships na gaganapin sa London.

Kailangan ni Eala na makalikom ng panalo upang manatili ito sa Top 100 sa world ranking at makaiwas sa qualifying round sa mga susunod na malalaking torneong lalahukan nito.

Matapos ang Wimbledon, sesentro rin ang atensiyon ni Eala sa US Open.

ALEX EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with