^

PM Sports

Asian Senior Women’s Volleyball C’ships: Phl volleybelles sasalang na

Pang-masa

NAKHON RATCHASIMA, THAILAND -- Sisimulan ng Philippine team ang kanilang kampanya sa pagbubukas ngayon ng 17th Asian Senior Women’s Volleyball Championships dito.

Kaagad na makakasagupa ng Power Pinays ang India na isa sa walong nakatakdang laro sa opening day sa dalawang magkahiwalay na venues.

Ito ang unang pagkakataon na lalahok ang bansa sa naturang biennial meet matapos noong 2005 kung saan tumapos ang mga Pinay na pang-siyam sa kabuuang 12 koponan sa Taicang, China.

“Marami silang international exposure, kaya we have to be at our best,” sabi ni head coach Nes Pamilar sa India na tinalo ng mga Filipina spikers via straight sets sa una at tangi nilang pagtatagpo sa Asian tournament noong 2005 sa classification phase.

Ang India ay No. 11 sa torneo, habang No. 16 ang Pilipinas.

Matapos ang India, makakalaban ng mga Po-wer Pinays ang No. 8 Iran sa Sabado bago tapusin ang kanilang preliminary round campaign sa Pool B sa pagsagupa sa nagdedepensa at 12-time winner na China sa Linggo.

vuukle comment

ANG INDIA

ASIAN SENIOR WOMEN

FILIPINA

KAAGAD

LINGGO

NES PAMILAR

POOL B

POWER PINAYS

VOLLEYBALL CHAMPIONSHIPS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with