^

PM Sports

Wemby nagkadena ng triple-double

Pang-masa
Wemby nagkadena ng triple-double
Sinubukang pigilan ni forward Domantas Sabonis ng Kings si Victor Wembanyama ng Spurs.

SACRAMENTO, Calif. — Nagkadena si Vic­tor Wembanyama ng 34 points, 13 rebounds at 11 assists para sa kanyang unang triple-double sa season at ginabayan ang San Antonio Spurs sa 127-125 paglusot sa Kings.

Kumonekta din ang 7-foot-2 na si Wembanya­ma ng limang three-point shots.

Nagdagdag si Devin Vas­sell ng 21 points mula sa bench para sa pang-li­mang panalo ng San An­tonio (11-9) sa huling anim na laro.

May 13 markers si ve­­teran guard Chris Paul.

Nagsalpak si DeMar De­Rozan ng 28 points para sa Sacramento (9-12) na nagtala ng 17-point lead sa first quarter at angat sa 65-58 sa halftime.

Bumanat ang Spurs ng isang 19-7 atake para agawin ang bentahe sa third quarter bago kunin ng Kings ang 97-92 kalamangan papasok sa fourth period.

Ipinasok ni Paul ang kanyang 3-pointer sa hu­ling 20 segundo ng laro ka­sunod ang free throw ni Keldon Johnson para sa three-point lead ng San Antonio sa nalalabing si­yam na segundo.

Ang triple ni Domantas Sabonis ang huling puntos ng Sacramento.

Sa Portland, kumamada si Luka Doncic ng 36 points sa 137-131 panalo ng Dallas Mavericks (13-8) sa Trail Blazers (8-13).

Sa Salt Lake City, humakot si Anthony Davis ng 33 points at 11 rebounds at tumipa si Le­Bron James ng 27 points at 14 assists sa 105-104 pagtakas ng Lakers (12-8) sa Utah Jazz (4-16).

SAN ANTONIO SPURS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with