^

PM Sports

Bolick hataw sa panalo ng NLEX sa Terrafirma

John Bryan Ulanday - Pang-masa
Bolick hataw sa panalo ng NLEX sa Terrafirma
Tinirahan ni NLEX import Mike Watkins sina import Ryan Richards at Mark Louie Sangalang ng Terrafirma.
PBA Image

MANILA, Philippines — Rumatsada sa ikalawang sunod na panalo ang NLEX matapos gulungan ang Terrafirma, 104-85, sa pagpapatuloy ng 2024 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Maagang umalagwa sa 27-11 birada ang Road Warriors at hindi na lu­mingon pa tungo sa 19-point win at 2-1 kartada.

Sumemplang sa u­nang salang ang NLEX, 114-87, kontra sa NorthPort bago makabawi sa Blackwater, 107-95, at tsaka ngayon sa walang panalong Dyip sa pangunguna ng ace player na si Robert Bolick.

Nagliyab sa 32 puntos, 4 rebounds at 5 assists si Bolick sa pambihirang 11-of-14 shooting tampok pa ang 2/2 clip mula sa four-point line.

Humakot naman ng 30 rebounds ang super import na si Michael Griffin-Watkins dagdag pa ang 26 puntos, 3 assists at 4 na tapal.

Double digits din na 15 at 13 puntos ang ambag nina Xyrus Torres at Anthony Semerad, ayon sa pagkakasunod, habang may 7 si Richie Rodger, para sa mga bataan ni coach Jong Uichico.

Matapos makapag-poste ng 16 na puntos na bentahe sa first quarter, umarangkada pa ang NLEX nang lumamang sa hanggang 25 puntos sa third quarter tungo sa tambak na panalo.

Umiskor ng 22 puntos ang bagong player na si Vic Manuel, dating taga-San Miguel, subalit nalag­lag pa rin sa 0-3 simula ang Dyip.

Maging ang tig-10 puntos nina Aljun Melecio at Kevin Ferrer pati na ang 9 puntos ni Stanley Pringle ay kinulang pa rin para sa koponan ng bagong head coach na si Raymond Tiongco.

Ito na ang ikatlong sunod na tambak ng Terrafirma matapos unang yumukod kontra sa Converge, 116-87, at NorthPort, 113-101.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with