^

PM Sports

May pinatunayan si Mbomiko ACCELL 3XVI NCAA Player of the week

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula ngayon ay makakamit na ni Camaroonian import Aziz Mbomiko  ang respetong hanap niya sa kapwa manlalaro sa 89th NCAA men’s basketball.

Hinirang si Mbomiko bilang ACCEL/3XVI NCAA Press Corps Player of the Week matapos gabayan ang Lyceum sa 80-76 panggugulat laban sa Letran noong nakaraang Sabado.

Isa naman ang 6’3” na si Mbomiko sa mga sinasandalan ni Pirates coach Bonnie Tan pero ang naitalang 22 puntos bukod sa pitong rebounds, limang steals at isang assist ang kanyang pinakamagandang naipakita at nagresulta sa pagpapataob sa number one team ng liga.

“I’m not as tall and big as the other players but I make up for it with my desire to win,” wika ni Mbomiko.

Isiniwalat naman ni Tan na nag-tryout pa si Mbomiko at nagpapasa-lamat siya na kinuha niya ito sa kanyang koponan.

“We are very blessed to have him in our team,” wika ni Tan.

Sa ngayon ay mayroon lamang na apat na panalo sa 11 laro ang Pirates pero hindi dapat silang maliitin ng mga makakaharap lalo pa’t makakaasa silang may isang Mbomiko na handang gawin ang lahat ng makakaya para maipanalo ang koponan.

vuukle comment

AZIZ MBOMIKO

BONNIE TAN

CAMAROONIAN

HINIRANG

ISA

ISINIWALAT

LETRAN

MBOMIKO

PRESS CORPS PLAYER OF THE WEEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with