^

PM Sports

Spinning Ridge pumuwesto sa No. 2

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Panalong nakuha sa ikat­lo at huling yugto sa 2013 Philracom Triple Crown Championship ang nakatulong para ma­bawi ng Spinning Ridge ang ikalawang puwesto sa hanay ng winningest horse matapos ang buwan ng Hulyo.

Dinomina ng Spinning Ridge na ginabayan ni John Alvin Guce, ang nasa­bing karera na pinag­labanan sa 2000-metro pa­ra maibulsa ang P1.8 mil­yon na unang gantimpala.

Ikaapat na panalo ito ng kabayo bukod sa dalawang tersero puwesto at ang halagang naipasok ay nagpasok sa Spinning Ridge ng P3,961,541.19 ki­ta.

Hindi naman natitinag ang Hagdang Bato na ka­hit ipinahinga sa nagdaa­ng buwan  ay walang na­kaabot sa naipundar na P4,420,000.00 prem­yo matapos ang tatlong tak­bo.

Ang Diving Eagle na na­kabuntot sa Hagdang Ba­to matapos ang buwan ng Hunyo pero ipinahinga ng connections sa buwan ng Hulyo, ay bumaba sa ikatlong puwesto sa P2,219,160.68 kinita m­a­tapos ang apat na panalo at isang segundo.

Nanatili ang Be Humble at Jazz Connection sa ikaapat at limang puwesto at ang Be Humble ay may­roon ng P1,856,086.36 sa tat­long panalo, tatlong se­gundo at isang kuwarto pu­westo pagtatapos, habang ang Jazz Connection na nanalo ng isang takbo ay may P1,729,689.91 kinita na sa anim na panalo, 2 segundo at 6 na tersero puwestong pagtatapos.

Hindi rin natinag ang Show Me The Money, Snake Queen at Esprit De Corps sa ikaanim hang­gang ikawalong puwes­to, habang ang Esprit De Corps ang nalagay sa ika­-siyam na puwesto na da­ting okupado ng Bark­ley na bumaba sa pang-sam­pung puwesto.

Nanatili ang kita ng Show Me The Money sa halagang  P1,364,302.03 (8-6-2-1)  at El Libertador sa P1,350,000.00 (2-1) da­hil hindi ito tumakbo sa nag­daang buwan.

vuukle comment

ANG DIVING EAGLE

BE HUMBLE

EL LIBERTADOR

ESPRIT DE CORPS

HAGDANG BA

JAZZ CONNECTION

SHOW ME THE MONEY

SHY

SPINNING RIDGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with