Tamaraws winalis ang first round; Bulldogs pinayukod ang Green Archers
MANILA, Philippines - Matapos noong Season 73, muling winalis ng Far Eastern University ang ang first round ng UAAP men’s basketball tournament.
Tinalo ng Tamaraws ang Adamson Falcons, 74-71, upang iposte ang kanilang ika-pitong dikit na arangkada sa 76th UAAP kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Sa kanilang pagwalis sa first round, inaasahan ni rookie coach Nash Racela na bawat koponan ay pipilitin silang talunin sa second round.
“In the second round most of those teams will be complete, and there will be a target on our backs,†sabi ni Racela.
Humugot si point guard Terrence Romeo ng walo sa kanyang season-high 26 points sa final canto para sa tagumpay ng FEU.
Ang three-point shot ni Romeo sa huling 24.6 segundo ang nagbigay sa Tamaraws ng 74-69 bentahe.
Nakadikit ang Falcons sa 71-74 mula sa layup ni Jericho Cruz sa natitirang 20.4 segundo.
Muling nagkaroon ng pag-asa ang Adamson na makalapit nang matawagan ng isang five-second inbound violation si Mike Tolomia sa posesyon ng FEU.
Ngunit nawalan ng kontrol sa bola si Don Trollano na nagresulta sa desperadong tira ni Raouf Julkipi sa kumawalang tsansa sa Falcons.
Tumapos si Cruz na may 21 markers para sa Adamson.
Sa ikalawang laro, diÂnaig ng National UniÂvÂerÂsity ang De La Salle UniÂversity, 63-56.
FEU 74 - Romeo 26, Pogoy 9, Garcia 9, Belo 9, Tolomia 8, Hargrove 4, Mendoza 3, Sentcheu 2, Jose 2, Cruz 2, Iñigo 0.
Adamson 71 - Cruz 21, Sewa 13, Brondial 13, Trollano 5, Julkipli 5, Agustin 4, Abrigo 4, Petilos 3, Cabrera 3, Rios 0, Monteclaro 0, Iñigo 0.
Quarterscores: 20-13; 36-37; 54-56; 74-71.
NU 63 - Parks 20, Mbe 12, Villamor 10, Alolino 9, Neypes 6, Rosario 23, Alejandro 2, Rono 0, Perez 0, Khobuntin 0, Javillonar 0, Javelona 0.
DLSU 56 - Van Opstal 14, Vosotros 11, Teng 9, T. Torres 7, Perkins 6, Salem 5, N. Torres 2, Revilla 2, Tampus 0, Dela Paz 0.
Quarterscores: 20-9; 33-25; 43-42; 63-56.
- Latest