Philippine curlers naka-gold sa Asian Winter Games
MANILA, Philippines — Inangkin ng Philippine men’s curling team ang kauna-unahang gold medal sa Asian Winter Games matapos talunin ang South Korea, 5-3, sa Harbin, China.
Sina Marc Pfister, Enrico Pfister, Alan Frei, Christian Haller at Benjo Delarmente ng Team PH ang hinirang na best-performing Southeast Asian team sa 34-nation competition kung saan kumuha ang Thailand ng isang bronze mula kay Thai-Frenchman Paul Vieuxtemps sa men’s slopestyle ng freestyle skiing.
“This is too good to be true,” wika ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino. “Shocking, that’s the least I can say.”
“Now, the path is clearer toward our first medal in the Winter Olympics,” dagdag nito.
Sa ilalim ng pamumuno ni Tolentino sa POC ay nakamit ng Pilipinas ang tatlong gold medals sa Olympic Games.
Ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa ay nagmula kay weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo sa 2020 Tokyo edition at ang dalawa ay kay gymnast Carlos Yulo sa 2024 Paris.
Ayon kay Tolentino, ang Harbin Winter Games ay magsisilbing ‘springboard’ ng Pilipinas para sa Winter Olympics.
“I always believe the impossible can be achieved,” wika ng POC chief sa 25th Winter Olympics sa Milano Cortina sa 2026. “We did it in Tokyo and Paris, and it may not come in Italy next year, but I believe we’re on the right track.”
- Latest