^

PM Sports

Mahigit P20M na ang tatamaan sa 6/45

Pang-masa

MANILA, Philippines - Papalo na sa mahigit na P20 milyon ang jackpot prize na paglalabanan sa 6/45 Mega Lotto draw sa bolahan ngayong gabi.

Lumusot ang P19,295,060.00 premyo na pinaglabanan  noong Lunes ng gabi nang walang tumama sa lumabas na kumbinasyon na 3-17-21-24-38-39.

Ito na ang ikalimang draw na mangyayari matapos masapol ang P53,987,876.00 premyo noong Hunyo 28 sa lumabas na 1-18-19-20-32-42 kumbinasyon.

Pipilahan din ang ta-yaan sa 6/55 Grand Lotto na patuloy na magtataya ng P30 milyon na inisyal na jackpot prize.

Lusot ang 8-11-16-20-29-32 na lumabas noong Hulyo 8 para hindi pa masundan ang masuwerteng mananaya  na tumama noong Hulyo 1.

Naiuwi ng solo winner ang tumataginting na P178,849,233.20  premyo matapos tamaan ang lu-mabas na mga numerong 9-21-43-35-54-12.

Sa 6/49 Super Lotto ang may pinakamalaking jackpot prize na pinaglalabanan ngayon dahil tinatayang nasa P76 milyon na ang nakataya sa draw na ginawa kagabi.

 

vuukle comment

GRAND LOTTO

HULYO

HUNYO

LUMUSOT

LUSOT

MEGA LOTTO

NAIUWI

PAPALO

SUPER LOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with