^

PM Sports

Malalaking papremyo sa San Lazaro

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Asahan ang mainitang tagisan ng mga mahuhusay na kabayo ngayong gabi sa bakuran ng San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Walo sa siyam na karerang nakaprograma ngayon ang nilagyan ng mga added prizes para magpursigi ang mga nakaentradang kabayo.

Lima sa paglalabanan ay idideklarang 2013 Summer Racing Festival na sinahugan ng gantimpalang nag­lalaro sa P40,000.00 o P20,000.00 na biniyak sa ma­ngungunang apat na darating sa meta.

Sa race four ang isang P40,000.00 race at ang mananalo ay magbibitbit ng P24,000.00.

Mga kasali rito ay ang Katipunera, Dancing Storms, Ian’s Bet, Getting Better, Sun Tan Tony at Rein Me In. Ang may pinakamabigat na peso ay ang Get­ting Better sa 57 kilos.

 

vuukle comment

ASAHAN

CARMONA

CAVITE

DANCING STORMS

GETTING BETTER

REIN ME IN

SAN LAZARO LEISURE PARK

SUMMER RACING FESTIVAL

SUN TAN TONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with