^

PM Sports

Pacquiao dumating na mula sa bakasyon sa Israel

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mula sa pagbaba-kasyon sa Israel kasama ang kanyang pamilya, bumalik na sa Pilipinas kahapon ng umaga si Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao.

Sinabi ng 34-anyos na Sarangani Congressman na saglit niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya noong nakaraang taon kung saan natalo siya kina Timothy Bradley, Jr. (split decision) noong Hunyo 9 at kay Juan Manuel Marquez (sixth-round KO) noong Disyembre 8.

“Happy kami lahat. Inikot namin lahat, buong Israel inikot namin,” sambit ni Pacquiao sa pana-yam ng ‘Unang Balita’ sa GMA 7 ukol sa ginawang pamamasyal ng kanyang pamilya sa Israel kung saan nila ipinagdiwang ang Pasko at Bagong Taon.

Habang nasa Israel ay pumutok ang komentaryo nina nuerologist Dr. Rustico Jimenez at forensic pathologist Dr. Raquel Fortun kaugnay sa pagkakaroon umano ni Pacquiao ng mga sintomas ng Parkinson’s disease.

Taliwas sa inaasahan ng lahat, hindi magsasampa ng demanda si Pacquiao hinggil sa mga pahayag nina Jimenez at Fortun sa kanyang kalusugan.

“Comment na lang ‘yun. Lahat naman may karapatan mag-comment,” ani Pacquiao. “Siyempre ako sa sarili ko, after ng fight, sa hospital, tapos pagdating ko rito sa Pilipinas, make sure na nagpa-MRI ako, lahat, nagpa-checkup ako, so okay naman ang resulta.”  

Para naman ngayong 2013 ay wala pang opisyal na inihahayag si Pacquiao at ang kanyang promoter na si Bob Arum ng Top Rank Promotions hinggil sa kanyang susunod na laban.

Ilan sa mga posibleng mangyari ay ang isang tune-up fight ni Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) kontra kay world lightweight titlist Brandon ‘Bam Bam’ Rios (31-0-1, 23 KOs) at ang pang-lima nilang paghaharap ng 39-anyos na si Marquez (54-6-0, 39 KOs) sa Setyembre.

Sinabi ni Pacquiao na hindi pa nila napag-uusapan ni Arum ang muli nilang paghaharap ni Marquez sa pang-limang pagkakataon.

Handa naman ang 26-anyos na si Rios at ang 39-anyos na si Marquez na labanan si Pacquiao ngayong taon.

vuukle comment

BAGONG TAON

BAM BAM

BOB ARUM

DR. RAQUEL FORTUN

DR. RUSTICO JIMENEZ

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

PACQUIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with