^

PM Sports

Kampo ni Edrin Dapudong umapela sa IBO

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumulog ang kampo ni Edrin Dapudong sa pa­ngulo ng International Bo­xing Organization pa­ra ihingi ng hustisya ang kontrobersyal na pagka­talo ng Filipino boxer kay Gideon Buthelezi ng South Africa.

Matatandaan na nila­ba­­nan ni Dapudong si Bu­thelezi sa Emperor’s Palace sa Gauteng, South Africa noong Linggo para sa bakanteng IBO super flyweight title at kahit na dinomina niya ang dating two-division champion at napatumba sa ninth round ay napagkaitan siya ng pa­nalo ng dalawang hura­do.

Ang kababayan ni Bu­thelezi na si judge Tony Nyangiwe ay naggawad ng 115-112 iskor, habang si Michael Pernick ng Mia­­­­mi, Florida ay may 115-113 iskor.

Si judge Reg Thompson ng Great Bri­tain ang pumanig sa 26-anyos na si Dapudong sa dikitang 114-113.

“I am preparing a formal letter addressed to IBO president Ed Levine asking for a review of the vi­deo tape of the fight,” wi­ka ni dating North Co­ta­bato governor Manny Pi­ñol na tumutulong kay Da­pudong.

Nasa ringside din si Pi­ñol sa araw ng laban ka­sama ang promoter na si Aljoe Jaro at nakita rin ni­ya ang pagkakamali sa iskoring ni Pernick sa ninth round.

Bumagsak sa naturang round si Buthelezi pero ang iskor ni Pernick ay 10-9 sa halip na 10-8.

“I am also seeking sanctions against American judge Michael Pernick who scored the 9th round, when Buthelezi was knocked down, 10-9 instead of 10-8. We believe we stand on solid ground and we are asking the IBO for a rematch,” dagdag ni Piñol.

Ikalawang tangka ito ni Dapudong sa titulo ma­tapos noong Hulyo 2, 2011 nang matalo kay Me­xican Hernan Marquez.

ALJOE JARO

BUTHELEZI

DAPUDONG

ED LEVINE

EDRIN DAPUDONG

GIDEON BUTHELEZI

GREAT BRI

MICHAEL PERNICK

SHY

SOUTH AFRICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with