^

PSN Showbiz

Gabbi, na-master na ang mga turo ni boy

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Gabbi, na-master na ang mga turo ni boy
Gabbi Garcia

Nagkomento ang host na si Boy Abunda tungkol sa pagho-host nina Alden Richards at Gabbi Garcia.

Isa nga siya sa tinitingalang host sa TV program at pati na rin sa mga live show.

Humingi raw ang Kapuso actress na si Gabbi ng tulong sa kanya sa hosting na napuri nang mag-host ito sa Miss Manila at Miss Universe Philippines at maging sa 7th EDDYS.

Naikwento nito sa kanyang programang Fast Talk With Boy Abunda kung paano niya ginabayan ang karelasyon ni Khalil Ramos.

Tinuruan niya ito na ang pag-adlib ay nire-rehearse hanggang sa maging organic na ito at pati rin ang paraan ng pagho-host kung paano ang relasyon sa pagitan ng host at teleprompter.

Napuri rin niya ang galing ng dalaga.

Kaya naman laking pasasalamat ni Gabbi sa TV host sa ginawa nitong paggabay at pagtuturo sa kanya dahil great teacher daw ito at nasa tamang lugar daw siya para matuto sa one of the best.

Bukod kay Gabbi ay naging usap-usapan din ang ginawang pagho-host ng aktor na si Alden Richards sa naging istilo niyang pagsigaw sa Miss Universe Philippines pageant.

Pinaliwanag naman ni Boy ang naging criticisms kay Alden dahil naintindihan daw niya kung bakit tila naging pasigaw ang ginawa nito.

Hindi raw talaga madali ‘pag naroon ka na sa stage dahil hindi mo talaga maririnig lalo na kapag hindi nakapuwesto nang maayos ang mga monitor sa stage kaya mapapasigaw ka talaga.

Hindi pa raw niya natuturuan ang aktor pero alam daw niyang willing matuto ito na mas pagbutihin pa ang pagho-host.

Ilan sa magagaling na host na gaya nina Bianca Gonzalez, Mariel Padilla, Toni Gonzaga at iba pa ay naging estudyante rin ni Boy. Bongga.

vuukle comment

ACTRESS

GABBI GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with