^

PSN Showbiz

Regine, nagbanta ng demanda sa nagkalat na hiwalay na sila ni Ogie

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Regine, nagbanta ng demanda sa nagkalat na hiwalay na sila ni Ogie
Regine Velasquez, Nate Alcasid, Ogie Alcasid, at It’s Showtime

Mukhang may pagbabanta ang mensahe ni Regine Velasquez sa naglabas ng fake news na naghiwalay na sila ni Ogie Alcasid.

Nag-surprise ang mag-inang Regine at Nate Alcasid sa It’s Showtime para sa 57th birthday ng mister na singer/songwriter.

Pagkatapos magbigay ng birthday wish ang mag-ina, humirit na si Regine sa taong nagkalat ng balitang hiwalay na silang mag-asawa.

“Gusto ko lang seplakin ‘yung mga nagsasabing naghiwalay kami. Maghintay ka diyan ha?” tila may pagbabanta ni Regine.

“Kasi alam n’yo mga kaibigan, as you all know, marriage is difficult. Marriage is difficult the way it is. Pero may mga tao pa na who’s trying to make it difficult for us.

“Hindi po ‘yun maganda. Parang pinapanalangin n’yo na magkahiwalay kami. Hindi po kami maghihiwalay ever, cause we love each other,” dagdag niyang pahayag.

May hirit pa si Regine ng biro na tila may issue silang mag-asawa.

“Our marriage is not perfect, it’s not that for me it is really. It’s not perfect. Siyempre may mga issue issue, ganun…” ani Regine.

Umalma si Ogie ng; “May issue ka sa akin! Ba’t ganun?”

“Wala. Wala akong issue. Pero gusto ko lang sabihing napakabait po ng asawa ko,” sagot naman ni Regine.

“Alam n’yo kung paano ko alam na mabait siya? He is God-centered, you know. Ang focus niya kay God. Marami siyang ginagawa, pero ang focus niya na kay God pa rin. Hence, ako po ang nagbe-benefit doon. Kasi, dahil mahal na mahal niya ang Panginoon, mabait at mabuti siyang asawa at tatay sa aming mga anak.

“So, please. ‘Pag meron kayong nakitang mga anything na writeups, huwag n’yong paniwalaan. Nakita n’yo naman sa aming mga social media.

“We are very close. He’s my bestfriend, and I hope I’m his bestfriend too. Aside from Ryan Bang hahaha!

“Ayun lang! Gusto ko lang sabihin ‘to, maghanda ka diyan ha? Tinitingnan kita ha?” sumesenyas si Regine na tinitingnan niya ang taong ito.

Huwag na tayong magulat kung mababalitaan natin isa sa mga araw na ito na magsasampa ng kaso ang mag-asawang Regine at Ogie sa taong nagkalat ng imbentong balitang ito.

Samantala, proud si Regine sa rami ng mga pino-produce ng kanyang asawa. Sa Sept. 27 na ang The King 4ever concert ni Martin Nievera na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum. Pati ang reunion dance concert ng Streetboys at ang kina 2.

Jessa, ‘di na pumatol kay Rufa Mae

Napa- “Ikaw talaga!” si Jessa Zaragoza sa akin nang diretsahan ko siyang hi­ningan ng reaksyon sa huling pahayag ni Rufa Mae Quinto tungkol sa kanilang isyu ilang taon nang nakaraan.

Nung nag-guest si Rufa Mae sa Sarap ‘Di Ba, tinanong siya ni Carmina Villarroel tungkol sa kanila ni Jessa. Nagkaayos ba sila o nagkaroon ng panahong nag-usap sila? “Move on na saka may mga anak. Maglo-lola na nga kami. Masyado nang matagal... binaon na ‘yun sa limot,” sabi ni Rufa Mae.

Nakatsikahan namin ang mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza sa Cinema 76 noong Sabado, at hiningan namin sila ng reaksyon kaugnay rito.

Tahimik lang at napapangiti si Dingdong nang pinasagot namin ito kay Jessa. “Ahh… ang masasabi ko lang diyan, wala akong masasabi,” natatawang sagot sa amin ni Jessa.

“Hay naku peace to everyone. Wala. Wala akong masasabi, kasi alam ko na ano e, walang patutu­nguhan na maganda pag babalikan pa ng ganun. What’s the point ‘di ba? pahayag niya.

Sinundan namin ng tanong kung aware ba ang nag-iisang anak nilang si Jayda sa isyung ito.

“Nakita nyo naman kung gaano katalino, alam na niya ang mga bagay bagay. Minsan nagtatanong siya, pero minsan gino-google na lang niya,” pakli niya.

“Basta ako, peace sa lahat ng tao, kahit ang mga taong hindi ko nakakasundo, hindi ko wini-wish ng masama. Kasi ang mga ganun, ikaw na ang magdadala nun e. Parang ang kapal naman ng mukha ko kung magne-nega pa ko. Sobrang blessed na nga ako sa asawa ko. Very supportive sa akin. Masaya yung marriage namin. Hindi perfect pero nandun ‘yung pagiging content,” saad ni Jessa.

Mas excited ngayon ang mag-asawa sa nalalapit na launch ng bagong album ni Jayda.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

SHOWTIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with