^

PSN Showbiz

It’s Raining Men sa Korina interviews

Pilipino Star Ngayon
It�s Raining Men sa Korina interviews
Korina Sanchez-Roxas at World title holders

Uulan ng nagguguwapuhang mga kalalakihan this weekend with Korina Sanchez-Roxas on Korina Interviews!

This Sunday ay guys naman ang rarampa sa set ng show bilang mga lalaking world title holders.

Kilalanin ang 4 na hari!

Paano sinasagot ni Mr. Pilipinas International Ambassador 2024 na si Justin Ong ang kaliwa’t kanang pasaring ng bayad na pag-ibig o mga indecent proposals sa kanya?

Paano na-discover si Kenneth Cabungcal na ngayon ay Man Of The World 2024 1st runner-up na?

Alamin kung bakit nilalait at “pangit” ang tawag dati kay Marvin Diamante na ngayon ay Mr. International Philippines 2024 na!

Ikukuwento naman ni RJ De Vera, Man Hot Star International 2023 ang tungkol sa matinding hagupit sa buhay niya ng sobrang kahirapan na kanyang pinagdaanan!

Bongga ang mga kuwento sa likod ng kanilang taginting at tagumpay on stage!

Rarampa na sila sa Korina Interviews, exclusive this Sunday, Aug. 25, 6 p.m. pagkatapos ng romantic-comedy series na Goodwill on NET25.

Tagumpay ni Kangkong Queen,tampok sa my puhunan

Maki-go green sa mga kwento ng tagumpay na hatid nina Karen Davila at Migs Bustos sa My Puhunan: Kaya Mo! – tampok ang kumikitang kangkong chips kabuhayan ng Kangkong Queen.

Mula sa puhunang P50, ngayon ay napalago ni Liberty “Bet” dela Cruz ang kanyang kangkong chips business na nakakapagprodyus ng mahigit 200 pakete kada araw. Kaya naman ang bansag sa kanya ngayon ay Kangkong Queen.

Sa kanyang kwentuhan kasama si Migs, ibabahagi niya ang kanyang sikreto ng tagumpay sa mga may nais magtayo rin ng sariling small business.

Samantala, sa gitna ng nagtataasang gusali posible pala ang pagtatanim ng mga prutas at gulay, ‘yan ang ibibidang feature story ni Karen, tampok ang Urban Farmers PH ni Louie Gutierrez.

Bago niya simulan ang kanyang Urban Farmers initiative, isa muna siyang alahero hanggang sa naapektuhan nang lubos ang kanyang negosyo sa kasagsagan ng pan­demya. Doon niya nakita ang yaman sa pagtatanim at ngayon, napalawak niya ang kanyang city farm nang magkaroon siya ng taniman sa BGC, Taguig City.

Mapapanood ang mga kuwento ng tagumpay sa My Puhunan: Kaya Mo! tuwing Linggo, 4 p.m. sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, news.abs-cbn.com/live, at iba pang online platforms ng ABS-CBN News.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with