^

PSN Showbiz

Edu, dalawang taong namahinga

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Edu, dalawang taong namahinga
Edu Manzano

Simula Sept. 2 ay mapapanood na sa iba’t ibang Kapamilya platforms, A2Z at TV5 ang Lavender Fields. Tampok sa pinakabagong serye ng ABS-CBN sina Jodi Sta. Maria, Jericho Rosales, Janine Gutierrez, Jolina Magdangal, Albert Martinez, Maricel Soriano at Edu Manzano. Proud umano sa Edu sa kanyang bagong proyekto.

Mahigit dalawang taon ding nagpahinga ang aktor mula sa sa pag-arte. “I took a break, a long break. I think if I were to do something, I’d like to do something I would look forward to wa­king up every morning. Something that I can be proud of. And I can say na iba ito sa mga nagawa ko in the past. I would like to think isa ‘yon, isa Lavender Fields,” makahulugang pahayag ni Edu.

Ayon sa aktor ay palagi silang masaya sa tuwing nagtatrabaho sa set. Nagdadala pa raw si Edu ng sari-saring pagkain para sa mga kasamahan. “May kailangan akong mga bag. Of course, may mga chichirya. May mga bata, may dala akong mga candies, peanut butter, crackers for them. Things like that. We were watching Jericho and Jolina, pakitaan ng kanilang dala-dalang mga groceries. Si Jolina, I think she only has one car para lang sa lahat ng klaseng noodles, Vienna sausage, chorizo, Japanese foods, seaweed. Gano’n na rin si Echo,” kwento niya.

Samantala, ngayon lamang ulit nakatrabaho ni Edu ang dating asawang si Maricel Soriano. Sa mahigit 40 taong aktibo ng aktor sa show business ay talagang saludo sa pagiging magaling na aktres ng Diamond Star. “Everybody will tell you, Maricel is a challenge. Kahit anong eksena, kahit hindi siya nagsasalita. You know, I have a wonderful, not just a working relationship but a wonderful friendship with Maricel,” pagbabahagi ng beteranong aktor.

Mapapanood din simula Aug. 30 sa Netflix at Aug. 31 sa iWantTFC ang Lavender Fields.

Alyssa, pangarap makatrabaho ang megastar

Bukod sa pag-arte ay aktibo na rin ngayon si Alyssa Muhlach sa pagkanta. Ayon sa beauty queen-actress ay talagang hilig na niya mula pagkabata ang pagkanta. “I’ve been very busy with my singing career naman. I’m now trying out that passion of mine kasi ‘yon talaga ‘yung passion ko. Actually, first love ko ay singing. This year I really wanted to focus on singing pero at the same time, I also love acting. So, I will also be doing acting soon,” paglalahad ni Alyssa.

Nangangarap ang anak nina Almira Muhlach at Bong Alvarez na makatrabaho sa isang proyekto si Sharon Cune­ta. Mula noon pa ay malapit na umano sa pamilya Muhlach ang Megastar ayon kay Alyssa.  “I really wanna work with Sharon Cuneta. As in I really wanna work with her. She is also close to our family. I wanna meet her kasi one of the things that I enjoy in showbiz is I get to parang gain wisdom into people I work with,” paliwanag ng dalaga. — Reports from JCC

vuukle comment

ACTOR

EDU MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with