^

PSN Showbiz

Nanay ng dancer / actor, kumukulo ang dugo sa karelasyon ng anak!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Galit na galit pa rin pala ang nanay ng isang dancer-turned-actor sa jowa ng anak na isang young actress na naging viral online dahil sa isang kontrobersiyal na post sa socmed accounts niya.

Eh kahit na nagsama na sa pelikula at TV shows, mas lalo lang sumikat ang aktres kesa sa anak niya. At ang masama, sunud-sunuran ang anak niya sa young actress!

Kaya naman si madir, kung sinu-sino ang sinasabihan upang ipaalam ang galit sa anak. Kung minsan eh may inuutusang magsabi na hiwalayan ng anak ang aktres dahil bad influence ito sa career niya, huh!

Pero hindi naman nila sinusunod ang ina dahil wala naman silang power para paghiwalayin ang dalawa!

Sen. Jinggoy, sinagot ang pakikipagtalo sa babae!

Kumalat sa TikTok ang isang video ni Senator Jinggoy Estrada na nakikipagtalo sa isang babae.

Agad sinagot ito ni Sen. Jinggoy matapos ang kontrobersiyang pagkakasangkot sa pagtatanong kina Sandro Muhlach at Gerald Santos sa hearing sa Senado.

Sa isang interview sa isang entertainment site, pahayag ni Sen. Jinggoy, “Ang pagpapalabas at pagpapakalat ng mapanirang tikok video ay malinaw na malinaw na may bahid pulitika. Kung bakit ngayon ito ipinagkalat, tanging ang mga nasa likod nito ang siyang makakapagsabi!”

vuukle comment

ACTOR

DANCER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with