^

PSN Showbiz

John at Priscilla, inaayos na ang annulment

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Kung anu-anong kuwento nang naglalabasan tungkol sa mag-asawang John Estrada at Priscilla Meirelles kaugnay sa diumano’y paghihiwalay nila.

Pero reliable ang nakausap namin na malapit kay Priscilla at nakakausap pa rin niya hanggang ngayon.

Nakiusap lang ang aming source na huwag nang banggitin kung sino siya, pero naidaing na pala sa kanya ni Priscilla ang problema nilang mag-asawa.

Ayon daw sa dating beauty queen, matagal na raw silang hiwalay ni John, as in ilang taon nang nakaraan.

Ang sabi pa sa amin, taong 2020 pa lang daw ay inihanda na nito ang annulment papers.

Nanatili raw siyang tahimik at lumalabas na okay pa rin sila dahil pinagbibigyan lang daw niya ang pakiusap ni John na huwag nang isapubliko.

Dalawang taon na raw silang magkahiwalay ng kuwarto.

Hindi naman daw umaalis si John tahanan nila, kaya siya na raw ang umalis kasama ang kanilang anak.

Noong January ng taong ito pa raw siya umalis ng bahay nila kasama ang anak nila.

Ang sabi pa raw ni Priscilla, naabuso na raw ni John ang lahat na pagbibigay niya na manahimik, kaya lumipad na sila ng anak niya pauwi ng Brazil.

Ang isang rason pa raw na umuwi ng Brazil, dahil gumagawa raw siya ng ibang options na makapag-file ng divorce sa kanyang bansa dahil wala pa ring diborsyo sa ating bansa.

Wala na raw sa isip niyang makipag-ayos at magkabalikan sila ni John Estrada.

Hindi lang idinetalye ni Priscilla kung ano ang naging mitsa bakit tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa aktor.

Ilang beses ko ring tini-text si John para sa kanyang panig, pero hindi pa rin siya sumasagot as of press time.

FF, ‘di apektado kay Willie

Mas tumaas pa pala ang rating ng Family Feud noong Lunes, July 15, na nakatapat  na sa pilot episode ng Wil to Win ni Willie Revillame sa TV5.

Naglaro noong Lunes si Maricel Soriano kasama ang kapatid niyang si Mykee, at pamangking sina Mel Martinez at Meryll Soriano.

Nakalaban nila si Gladys Reyes at ang pamilya nitong sina Christophe, Janice at Jermaine.

Nakapagtala ng 9.6 percent ang rating ng Family Feud at ang Wil To Win ay 2.7 percent.

Sa totoo lang, mas mataas pa ‘yung Wilcome party nila nung Linggo na ipinalabas sa TV5 ng alas-kuwatro ng hapon hanggang 6:15 ng gabi. Naka-3 percent pa ito.

Pero tanggap naman nila na hindi nila kayang taasan ang Family Feud.

Sabi raw sa research, “Wil To Win had the highest rating performance of 5 to 6:30 block of TV 5 in 2024. But Family Feud was unaffected by the launch.”

Maganda na ring ganito kalalakas ang mga programang napapanood sa hapon dahil ang mga manonood ang mas nakinabang.

vuukle comment

ACTOR

ACTRESS

TRENDING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with