^

PSN Showbiz

Luis, takot iwan ang mag-ina

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Pilipino Star Ngayon
Luis, takot iwan ang mag-ina
Jessy, Peanut at Luis
STAR/File

Ipinagdiriwang ngayong araw ang Father’s Day sa iba’t ibang panig ng mundo. Mula nang maging isang ganap na ama ay malaki na ang nagbago sa buhay ni Luis Manzano. “Hindi ko in-expect na ganito ka-overwhelming. Hindi ko lang pinapahalata pero actually may mga moments na naiiyak ako kay Peanut. I still find myself in awe na nakapagbigay ng gano’ng klase ng buhay na nabigyan tayo ni Lord ng magandang buhay. May mga moments ako na naiiyak pa rin ako na ang bilis niya lumaki. Kapag nag-morning kiss kami, it’s a very overwhelming feeling,” kwento ni Luis sa kanyang YouTube channel.

Ayon sa TV host ay mas pinagbubuti niya ang lahat ng trabahong ginagawa ngayon para sa asawang si Jessy Mendiola at supling nilang si Peanut. “Now I’m more driven, gusto ko ring magsipag bilang isang tatay at asawa. Dati kasi ‘yung gastusin nandiyan lang, ngayon naiisip mo na kasi as a provider. I’m more driven sa mga kailangan kong gawin, not just pera, but my responsibilities,” pagtatapat niya.

Aminado si Luis na nakararamdam ng pangamba para sa kanyang mag-ina dahil sa mga hindi magandang pangyayari sa buhay. “The biggest challenge is the fear of the unknown. As much as gusto ko sabihin na gusto ko ilatag ang future, hindi naman natin alam ano mangyayari bukas, morbid mang pakinggan. Gusto i-pave ‘yung way na kapag dumating ‘yung oras (ng kamatayan) na kapag dumating ‘yung number ko, you guys will be okay. But while I’m still pa­ving that road, pinaghahandaan natin ‘yung hindi man ‘yung may sariling eroplano. But I want you to be okay pero that’s the biggest challenge dahil habang pini-pave mo ‘yon, wala tayong kasiguraduhan lang ano mangyayari kinabukasan. Malay mo habang nire-ready ko na ‘yung mga gusto ko sa inyo eh ma-jackpot na ako,” makabuluhang pahayag ng TV host.

Ice, nagpapagaling pa

Hindi natuloy ang Video Hits: The Repeat concert ni Ice Seguerra noong June 1. Naapektuhan umano ang pandinig ng singer dahil sa pagkakaroon ng matinding asthma kamakailan. “Nakakapraning siya ha, kasi hindi ko alam kung kelan ito mawawala eh. Kasi kahit may mic ka, iba eh. Hindi ko gaanong naririnig ‘yung notes ko. So hindi ko alam kung tinatamaan ko ba ‘yung tamang notes ko. Hindi ko rin naririnig ‘yung music. ‘Yung right (ear) ko maayos. Pero kunyari tinakpan ko siya, ang naririnig ko siguro mga 10% lang. Sobra siyang muted, parang gano’n,” pagbabahagi ni Ice.

Sa June 28 na itutuloy ang naturang concert ng singer. Sa ngayon ay patuloy na nagpapagaling si Ice. “I’m on meds na, both oral at saka drops. I think it’s the same with voice. Kapag tinamaan ‘yung boses mo, kailangan mo talaga mag-voice rest. Hindi mo siya pwedeng madaliin. Pwede ka mag-steroids for the mean time kapag meron kang show, but it’s still not the same. After mawala ‘yung effects ng steroids, babalik pa rin ‘yung inflammation ng lalamunan mo. Nagpa-check na ako tapos sinilip ‘yung tenga ko. ‘Yung left, wala kang makikitang ear drums. So hopefully mag-subside na siya soon,” paglalahad ng singer.

(Reports from JCC)

vuukle comment

FATHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with