^

PSN Showbiz

Pilot ng Sagrado nakakuha ng 443, 269 live concurrent views, trending

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Pilot ng Sagrado nakakuha ng 443, 269 live concurrent views, trending
Piolo Pascual
STAR/File

Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood sa Pamilya Sagrado, na nakakuha ng 443, 269 peak live concurrent views sa Kapamilya Online Live at trending din sa social media para sa pilot episode nito noong Lunes (Hunyo 17).

Bukod pa sa napapanood ito gabi-gabi ng 8:45 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, at TFC.

Pasabog agad ang unang episode kung saan ipinakita ang mainit na komprontasyon nina Moises at Justin (Kyle Echarri at Grae Fernandez) na nauwi rin sa pagiging magkaibigan ng dalawa matapos ipagamot at pakainin ni Justin si Moises.

Ipinakilala na rin sa mga manonood ang karakter ni Piolo Pascual na si Rafael Sagrado, ang ama ni Justin na maraming itinatagong baho sa kabila ng kagalang-galang na imahe nito.

Sa social media, pinuri ng netizens ang serye para sa pangmalakasang akting na ipinamalas ng cast at sa nakakapangilabot na kwento na may temang pulitika at pagiging parte ng isang fraternity.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with