^

PSN Showbiz

Pauleen, sinampal ang pakialamerang basher!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pauleen, sinampal ang pakialamerang basher!
Pauleen, Mochi, Vic at Tali

Sinimplehan lang ni Pauleen Luna ang pagsupalpal sa isang pakialamerang netizen na nagkomento tungkol sa ngipin ng panganay nila ni Bossing Vic Sotto na si Tali.

Pinost ng misis ni Bossing ang litrato nilang pamilya kasama ang bunso nilang si baby Mochi na may caption na “Holiday well spent.”

Ang gandang tingnan ng pamilya nila sa litrato.

Pinuri pa nga si Bossing na parang hindi raw tumatanda ang hitsura at lalo pang bumabata. Parang nasa 40s nga lang daw ito at bagets na bagets.

Lutang din ang pagka-cute ni baby Mochi na nakakagigil tingnan na tila mas nagmana raw sa kanyang mommy Pauleen habang si Tali naman ay sa kanyang daddy Vic.

Pero meron isang netizen na na-bash nang bonggang-bongga ng iba ring netizens at tagahanga nila Pauleen na nagkomento ng “I’m just wondering, why doesn’t the little girl wear braces to correct the growth of her teeth?”

Pinatutungkulan nito na bakit daw hindi pa magsuot ng braces para sa ngipin ang panganay nina Vic at Pauleen dahil hindi pa nga pantay-pantay ang ngipin nito.

Pero sinimplehan lamang ni Pauleen ang pagsagot sa nagkomento at patanong lamang ang ginawa niyang pagsagot doon at sinabing “Braces on milk teeth?” na ang ibig sabihin ay hindi pa maaaring magsuot ng braces si Tali dahil sobrang bata pa nito at milk teeth pa lang ang tumutubo sa kanya.

Sinabihan ng netizens ang pakialamerang basher na mag-research muna bago magkomento. Sinabihan pa itong regular na bumibisita ang pamilya nila sa dentist kaya huwag na nitong pakialaman pa ang ngipin ng walang kamalay-malay na bata.

Tama. Mga pakialamerang frog sila.

Hindi nila dasurv na patulan.

vuukle comment

PAULEEN LUNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with