^

PSN Showbiz

Kuya Kim, takot magkamali!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Kuya Kim, takot magkamali!
Kuya Kim Atienza
STAR/File

Inamin ni Kuya Kim Atienza na malaki ang pressure na naramdaman niya noong palitan niya ang batikang news anchor at weather presenter na si Ka Ernie Baron.

Hindi nga raw siya pwedeng magkamali dahil walking encyclopedia ito kaya dapat ganun din siya.

Pero imposible naman daw ito dahil wala namang perpektong tao. Kaya naman dapat daw malaman niya kung paano i-improve ang sarili sa pakikinig sa mga feedback.

Kaya may mga mentor daw siya na nagtatama sa kanya.

Kilala siya sa pagsagot ng trending topics sa social media o pagbibigay ng trivia pero marami raw ang sumisita at nagtatama sa kanya.

Meron daw talagang mga tao na ang hobby ay ang maghintay ng pagkakamali niya. Tanong nga raw ng mga ito ay kailan daw kaya siya magkakamali. Lalo nga raw sa X, tatlong araw daw magte-trending ‘pag nagkamali.

Wala pa naman aniyang social media noong nagsisimula pa lamang siya kaya hindi siya naba-bash o naitatama ng mga tao pero ngayong mas tutok na ang mga tao sa social media ay instant na raw ang pag-call out sa kanya. Hindi pa nga raw niya nala­laman agad kung bakit siya nagte-trending dahil sa X pagkatapos niyang magkamali.

Nilinaw niya naman na hindi siya humihingi ng tawad sa facts na nasasabi niya lalo na kung credible ang sources niya at base ito sa science, pero humihingi siya ng tawad ‘pag nakasakit siya.

Bongga si Kuya Kim.

vuukle comment

KUYA KIM ATIENZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with