^

PSN Showbiz

Carla, nagpaliwanag sa pagpabor sa divorce

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Carla, nagpaliwanag sa pagpabor sa divorce
Carla Abellana
STAR/File

Nagpaliwanag ang Kapuso actress na si Carla Abellana tungkol sa pagsuporta niya sa Divorce Bill sa panayam niya kay Nelson Canlas sa GMA Integrated News Interview para sa 24 Oras.

Natanong siya kung ano stand niya roon at sinagot niya na Katoliko siya pero very realistic din daw siya.

Mas nakikita raw niya ang bigger picture dahil sa panahon ngayon ay iba na. Nakikita raw niya na marami ang magbe-benefit dahil hindi madali ang pag-aasawa at nagiging toxic ito. Sa kasamaang palad ay marami na nagiging abusive ang relasyon.

Wish nga niya na sana mapirmahan at ma-finalize na ito para mabigyan ng pagkakataon ang mga magkarelasyon na hindi na masaya sa kanilang pagsasama.

Ilan nga sa mga iyon ay nagtitiis para lamang sa mga anak nila dahil wala silang choice kahit hindi na healthy para sa kanilang pamilya.

Maalalang hindi rin naging matagumpay ang pagsasama nila ng dating asawang si Tom Rodriguez na agad ding naghiwalay matapos magpakasal.

Pero ngayon daw ay masasabi niyang “completely out of the woods” na siya.

Kung ang iba raw ay matagal bago maka-recover na umaabot pa ng dekada bago makabangon, siya raw ay out of the woods na talaga.

“At some point, choice mo rin ‘yan kung talagang mag-i-stay ka ba talaga dito sa ganitong state or are you the type na gagamitin mo na ‘yan to learn from it and be a better person?” bahagi nito.

Ngayon ay 38 years old na ang aktres at marami na raw ang nagbago sa buhay niya pero may takot pa rin daw siya sa pagharap sa buhay.

Pero stronger, wiser, at mas confident na siya. Nagpapasalamat siya na kinaya niya at nakabangon siya.

Open naman na raw siya sa dating pero wala pa siyang oras para roon dahil siksik ang kanyang schedule. Bongga.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with