^

PSN Showbiz

Advice ni Robin sa mga anak: ‘‘di pwedeng dalawa ang boss’

SHOW-MY - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Advice ni Robin sa mga anak: ��di pwedeng dalawa ang boss�
Robin. Queenie at Kylie
STAR/File

Pinapayuhan ni Sen. Robin Padilla ang anak na mga babae na hindi masamang maging alpha, pero aniya hindi pwedeng dalawa ang boss sa totoong buhay.

Ito ang sinabi nang kumustahin namin sa kanya sina Kylie and Queenie na pareho ngayong hiwalay na sa mister.

“Ang mga bata kasi ngayon talagang iba eh. Iba na ‘yung generation. Kasi sila Queenie, Kylie. Ano bang tawag sa kanila? Millennials ba sila.

“So itong mga millennial ngayon mga ano ‘yan eh, palaban. Palaban sila eh. Parang dati kasi ang babae parang martyr mga ganyan eh ngayon hindi, alpha eh.

“Masyadong alpha ang mga babae ngayon. Ang lagi ko lang advice sa kanila minsan okay ma­ging alpha. Ayos ‘yan.

“Tough ka, independent okay ‘yan pero nandyan pa rin ‘yung hindi pwedeng dito sa mundo na dalawa ‘yung boss.

“Siguro pagdating sa bahay ikaw ang boss pero may mga pagkakataon na ‘yung asawa mo dapat ‘yan ang boss. Hindi dapat pinagtatalunan ‘yan pero syempre iba ‘yung generation ko, iba ‘yung generation nila hanggang advice na lang tayo,” mahabang sagot ng senador / aktor nang makausap namin sa movie announcement ng Gringo: The Greg Honasan Story – An Ordinary Man Thrust Into Extraordinary Circumstances ng Burracho Films na pagbibidahan niya.

Pursigido rin ang pagtutulak niya ng divorce bill. “Sinusulong na lang natin sana maisabatas ‘yung divorce. Ang divorce kasi para sa akin protection ‘yan ng babae. Hindi ‘yan para sa lalaki makapag-asawa siya ng makapag asawa. Kalokohan! Hindi ‘yun. Ang lalaki magloloko ‘yan kung gusto niya. Hindi niya kailangan ng divorce divorce. ‘Yung babae kailangan ng babae.

“Dito sa ating society masyadong judgmental pagka lalaking ano okay pero ‘pag babae ano eh, number one tayong mag-discriminate,” dagdag na paliwanag pa niya.

vuukle comment

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with