^

PSN Showbiz

Dahil sa STL? wifey ng pulitiko, bumabaha ng datung!

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon

Ang bongga-bongga ng tsikang nakarating sa amin tungkol sa wifey ng isang pulitiko.

Si wifey ay may koneksyon sa showbiz.

Nalulula na raw ang taga-bangko sa lumolobong pagpasok ng kadatungan sa account ni wife ng pulitiko.

Kasabay ng pag-super yaman ni wifey, parang nagbago na rin daw ang ugali nito.

Lumalabas na raw ang tunay na ugali na ang dating katsikahan niya nang bongga, ngayon ay parang ‘who you’ na raw para sa kanya.

Ayon sa iba pang napagtanungan namin, kinakalkal daw nila bakit tuluy-tuloy ang pasok ng datung sa bank account niya.

Hindi raw sure kung may koneksyon ba sa STL (Small Town Lottery) na talamak sa lugar nila itong pagpasok ng limpak-limpak na salapi sa bank account ni wifey.

Kaya ang sabi ng ibang close friends, kung nagbago raw ito sa mga dating kaibigan, dumarami naman ang mga gustong makipagkaibigan sa kanya.

Sana raw ay totoo namang kaibigan.

Gerald, maraming beses gustong sumuko

Sobrang natuwa ang grupong SPEEd ng entertainment editors kay Gerald Santos na dumalo sa announcement of nominations ng EDDYS Awards noong nakaraang linggo.

Nagpaunlak si Gerald ng awitin at malay natin baka nandun din siya sa EDDYS Awards mismo sa July 7 na gaganapin sa Marriott Hotel.

Pero sa ngayon ay abala siya sa paghahanda sa nalalapit niyang concert sa June 29 na pinamagatang Grateful na gaganapin sa Music Museum, Greenhills.

Sobrang grateful niya sa lahat na dumarating sa buhay niya sa dami ring hirap na pinagdananan niya.

Umabot na nga raw siya sa puntong gusto na niyang mag-quit sa pagkanta. “Naku, mara­ming beses. Maraming beses akong gustong mag-quit,” pakli ng singer nang nakatsikahan naman sa Valencia Events Place.

“Before mag-Miss Saigon ako sa U.K., ‘yun talaga ‘yung parang ahhh almost magku-quit na ako, 2017.

“So that was like five, six years of struggle. So sabi ko, parang walang nangyayari. Afloat ka lang.

“Sabi ko, ‘Mag-regular job na lang kaya ako? Or mag-aral na lang muna?’ Basta, kung anong ibang puwedeng gawin aside from showbiz.

“But ayun, si Lord, kumbaga in-align na naman ako. Siguro, ito talaga ang calling ko.

“Nung parang susuko na ako, biglang dumating ang opportunity for Miss Saigon. Nagpunta rito ang Cameron Mackintosh Productions.

“Nag-hold sila ng auditions. And then ayun, the rest is history. I got in as Thuy,” dagdag niyang kuwento.

Ngayon ay tuluy-tuloy na ang dating ng magagandang blessings kay Gerald at minamani-mani na lang niya ang Miss Saigon.

Nakapag-perform nga siyang pure Danish sa Denmark ng Miss Saigon, at keri na niyang gawin kahit ang iba pang lenggwahe, dahil kayang-kaya niyang pag-aralan.

vuukle comment

SHOWBIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with