^

Probinsiya

Kauna-unahang Provincial Joint Security Control Center sa Quezon, inilunsad

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Pormal nang inilunsad ang kauna-unahang Provincial Joint Security Control Center (PJSCC) sa Quezon Province bilang bahagi ng paghahanda para sa Mid-term Natio­nal and Local Elections sa Mayo 2025. 

Pinangunahan ang aktibidad ni Quezon Provincial COMELEC Supervisor IV, Atty. Ana Mei S. Barbacena, at ginanap sa QPPO Conference Room, Camp BGen Guillermo Nakar.

Dumalo sa aktibidad ang mga pangunahing kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya, kabilang si PCol. Ruben B. Lacues­ta, Provincial Director ng Quezon Police Provincial Office (QPPO), kasama ang QPPO Command Group.

Nakibahagi rin ang mga Election Officers, Chiefs of Police mula sa iba’t ibang City at Municipal Police Stations, Battalion Commanders ng 85th at 59th Infantry Battalion ng Philippine Army at mga kinatawan mula sa BJMP, BFP, at PCG - Northern at Southern Quezon.

Ayon kay Atty. Barbacena, mahalaga ang PJSCC upang tiyakin ang maayos, payapa, at tapat na halalan. Ang pagpupulong na ito ay naglalayong pagtibayin ang koordinasyon ng mga ahensya sa pagpapalakas ng seguridad, monitoring, at risk management sa buong lalawigan.

Ipinahayag naman ni PCol. Lacuesta ang buong suporta ng QPPO sa COMELEC.

COMELEC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with