^

Probinsiya

Presyo ng kuryente sa Gapo, bumaba

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon

OLONGAPO CITY, Philippines — Inanunsyo ng power distributor sa lungsod na ito na nagkaoon ng pagbaba sa presyo ng kuryente ng kada kWh para ngayong October billing.

Ayon sa Olongapo Electric Distribution Company (OEDC) nasa P0.26 per kilowatt-hour ang ibinaba ng kasalukuyang buwan na 11.73/kWh kumpara sa P11.99/kWh para sa September billing month. 

Ang pagbaba umano nito ay dahil sa mababang singil sa generation charges at transmission charges.

Samantalang nanatili naman sa P1.1210/kWh at hindi nagbabago simula pa noong 2018 ang singil sa distribution charge ng OEDC.

Hiniling naman ng OEDC sa publiko na kung mayroon mga  karagdagang katanungan ay maa­aring magsadya sa kanilang tanggapan.

ELECTRIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with