^

Probinsiya

Magsasaka kinatay ng mag-ama sa inuman

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang magsasaka ang nasawi matapos tadtarin ng saksak ng ama ng kanyang nakasagutan sa inuman sa Sitio Mazapan, Brgy. Lutucan 1, Sariaya, Quezon.

Base sa report ng Sariaya police nitong Martes, nadiskubre ang bangkay ng 38-anyos na biktimang si Rene Cara­bido na nakabulagta sa damuhan at tadtad ng tama ng saksak.

Lumalabas sa imbestigasyon na kainuman ng biktima ang mga suspek na mag-amang sina John Rey at tatay nito na si Thomas, parehong residente ng Sitio Looban, Bignay 1,Sariaya, noong gabi bago nangyari ang krimen.

Dahil sa panay nakakainom na, nagkasagutan ang biktima at ang suspek na si John Rey.

Sa gitna ng pagtatalo ng dalawa, bumunot naman ng itak si Thomas at sunod-sunod na inun­dayan ng saksak ang biktima.

Hindi na naisugod sa ospital ang biktima at nalagutan na ng hininga dahil sa rami ng tamang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang mag-ama matapos ang krimen na kapwa nahaharap sa kasong homicide.

vuukle comment

QUEZON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with