^

Probinsiya

Partido ng MILF sasabak sa 2025 elections

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Lalahok ang Moro Islamic Liberation Front sa kauna-unahang parliamentary elections sa autonomous region sa 2025 upang maipagpatuloy ang mga programang nagsusulong ng Mindanao peace process na posible diumanong mapapabayaan kung mga traditional politicians ang siyang mailuklok sa puwesto.

Sa hiwalay na pahayag nitong Sabado ni Bangsamoro Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim at ni Regional Speaker Ali Pangalian Balindong, handa na ang United Bangsamoro Justice Party ng MILF para sa parliamentary elections sa autonomous region sa susunod na taon na lalahukan din ng mga traditional politicians na may mga grupo ng tatapatan ang mga kandidato ng UBJP ng MILF.

Ayon kay Balindong, kanilang naipaliwanag sa libu-libong mga kasapi ng UBJP, mula sa iba’t ibang lugar sa Lanao del Sur, sa isang pagtitipon nitong Miyerkules sa bayan ng Malabang sa naturang probinsya, na isa sa layunin ng kanilang partido, pinamumunuan ni Ebrahim na siyang chairman ng MILF central committee, ang maipagpatuloy ang mga programa nilang kaugnay ng Mindanao peace process.

Ayon kay Balindong, masasayang ang mga magagandang bunga ng peace agreement ng Malacañang at MILF kung ang regional parliament ay napasailalim sa kontrol ng mga traditional politicians.

Ipinaliwanag ni Ebrahim sa mga reporters nitong Sabado na tanging ang Mindanao peace process lang ng Malacañang at ng MILF ang siyang solusyon sa ilang dekada ng “Moro issue” sa Mindanao na siya ring dahilan kaya nagkaroon ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na itinatag noong 2019 batay 2014 government-MILF peace agreement.

vuukle comment

ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with