^

Probinsiya

Suspek na pumatay sa babaeng nasa ER ng hospital, sumuko

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Suspek na pumatay sa babaeng nasa ER ng hospital, sumuko
Nabatid na alas-9:30 ng umaga ng sumuko kay Mayor Barzaga ang isa sa tatlong suspek na si alyas Rommel sa pagpatay sa babaeng biktima na kinilalang si alyas Chatty Timbang, 36 na nakaratay sa emergency room ng Pagamutang Bayan ng Dasmariñas nitong Agosto 29,alas-3:10 ng madaling araw.
File

MANILA, Philippines — Kusang loob na sumuko kay Dasmariñas City Mayor Jenny Austria Barzaga ang umanoy isa sa mga suspek na bumaril at pumatay sa isang babaeng nasa Emergency Room ng hospital sa nasabing lungsod.

Nabatid na alas-9:30 ng umaga ng sumuko kay Mayor Barzaga ang isa sa tatlong suspek na si alyas Rommel sa pagpatay sa babaeng biktima na kinilalang si alyas Chatty Timbang, 36 na nakaratay sa emergency room ng Pagamutang Bayan ng Dasmariñas nitong Agosto 29,alas-3:10 ng madaling araw.

Sa naganap na pamamaril, nadamay din ang ina ng biktima na siyang nagbabantay dito at ang secuirty guard ng ospital at isa pang helper na nasa maayos ng kalagayan.

Ayon kay alyas Rommel na kaya siya sumuko upang linisin ang kaniyang pangalan matapos na mailathala sa facebook page ni Mayor Barzaga ang pabuyang inilaan sa mga suspek at natakot sa pagkalat ng kaniyang larawan sa social media at reward na ipinatong dito.

Ayon kay Lt. Col. Julius Balano, hepe ng Dasmariñas City Police batay sa  kanilang mga ebidensya bukod pa sa pagturo mismo ng nabaril na biktima at unang suspek na nahuli nila na itinuturo ng mga ito si alyas Rommel na kasama sa ginawang krimen.

Kasalukuyan ng tinutugis ng pulisya ang isa pang suspek na si alyas Urak at malaki umano ang posibilidad na mahuli na rin ito hinggil sa may mga nakalap na silang impormasyon na hindi pa ito nakakalabas ng Cavite.

vuukle comment

SUSPECT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with