^

Probinsiya

3 dayuhang kapitalista nais magnegosyo sa Cotabato

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong Chinese investors ang nais na magnegosyo sa probinsya ng Cotabato upang makatulong sa lokal na ekonomiya at makapagbigay ng trabaho sa mga residente ng mga bayan na maaring pagtayuan ng ibat-ibang industriya.

Nagpulong nitong Huwebes sa Cotabato Provincial Capitol dito sa Kidapawan City sina Provincial Administrator Aurora Garcia, ang chairman ng Emandarin Ventures Incorporated (EVI) na si Thomas Yen, at mga kapwa negosyanteng sina Anderson Wong at Bob Yan kung saan kanilang tinalakay ang investment potentials ng probinsya na kilalang “new investment hub” ng Region 12.

Sa pahayag nitong Biyernes, kinumpirma ni Cotabato Gov. Emmylou Taliño Mendoza ang mit­hiin ng tatlong banyagang kapitalista na maglagak ng pondo para sa agriculture, industrial technology at manufacturing industries sa Cotabato na may 17 na bayan at mahigit 40 na mga barangays dito sa Kidapawan City na siyang kabisera nito.

Sa kanilang dayalogo kay Garcia at mga opisyal ng ibat-ibang tanggapan sa Cotabato governor’s office, ipinaliwanag nila Yen, Wong at Yan na ang pagiging mapayapa ng Cotabato at ang masigasig na mga programa ni Mendoza na isinusulong ang lokal na komersyo at industriya ang siyang nakahikayat sa kanilang magtayo ng iba’t ibang negosyo sa probinsya.

Ayon kay Mendoza, chairperson ng multi-sector Regional Development Council-12, magtutulu­ngan ang mga local go­vernment units sa pro­binsya, ang Cotabato Provincial Police Office at ang militar sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga lugar kung saan nais magtayo ng mga negosyo ang mga kapitalistang mula sa iba’t ibang rehiyon at sa labas ng bansa. 

vuukle comment

CHINESE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with