^

Probinsiya

Truck bumulusok, salpok sa SUV at jitney: Driver dedo, 2 pa sugatan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY , Philippines —- Patay ang isang driver habang dalawa pa ang nasugatan matapos na salpukin ng isang wing van truck ang isang SUV na bumangga naman sa jitney nitong Biyernes ng gabi sa kahabaan ng Marcos Highway, Sitio Bontiway, Brgy Poblacion, Tub, Benguet.

Dead-on-arrival sa ospital ang biktimang si Ruel Padilla Ocañada, 44, ng Purok 14, Lower Cypress, Irisan, Baguio City habang ginagamot sa ospital dahil sa mga tinamong mga sugat ang mga biktimang sina Euli­nemar Raguindin Talabis, 29, ng Wangal, La Trinidad, Benguet; at 15-anyos na estud­yanteng si Joey Lictawa Luzano, tubong Aringay, La Union, at naninirahan sa Puguis, La Trinidad, Benguet.

Sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nitong Bi­yernes nang maganap ang aksidente.

Sa imbestigasyon ng Tuba Police, pansamantalang nakahimpil ang wing-van truck sa kanang bahagi ng kalsada at naglilipat ng mga gulay sa isa pang truck, nang biglang gumulong ito pababa ng may 20 metro makaraang bumigay ang nakaharang na wood wedges sa gulong nito bilang manual brakes.

Bunsod nito, tuluy-tuloy na bumangga ang truck sa naka-park na SUV saka naman bumang­ga pa sa jitney sa daan.

Nagtuluy-tuloy pa ang truck sa pagbulusok pababa hanggang sa sumalpok ito sa isang gusali.

Sina Ocañada, Talabis at Luzano na nagdidiskarga ng mga gulay ay isinugod sa Baguio General Hospital and Medical Center ng mga rumespondeng tauhan ng Tuba Police Station, Tuba Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office at personnel Tuba Bureau of Fire Protection personnel.

Sina Talabis at Luzano ay ginamot sa kanilang minor injuries habang si Ocañada ay idineklarang patay dakong alas-8:50 ng gabi dahil sa severe traumatic brain injury, multiple facial fractures at multiple rib fractures.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with