^

Probinsiya

3 lolo tepok sa kidlat sa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 lolo tepok sa kidlat sa Cagayan
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Dante Seguro, 77, Rey Fabia, 65; kapwa residente ng Barangay Naddungan sa Gattaran, Cagayan at Alfredo Bruno, 67, ng Barangay Namuccayan sa bayan ng Sto Niño.
STAR/File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Tatlong senior citizen ang binawian ng buhay matapos na tamaan ng malakas na boltahe ng kidlat sa magkahiwalay na bayan sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Dante Seguro, 77, Rey Fabia, 65; kapwa residente ng Barangay Naddungan sa Gattaran, Cagayan at Alfredo Bruno, 67, ng Barangay Namuccayan sa bayan ng Sto Niño.

Ayon sa report ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Gattaran, sina Se­­-

g­u­ro at Fabia ay pauwi mula sa bundok nang masalubong nila sa daan ang malakas na ulan na may kasamang malakas na kulog at kidlat kung kaya’t napilitan silang sumilong sa isang puno ng kahoy.

Dito na biglang kumidlat at tinamaan ang kahoy kabilang ang dalawang biktima na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Isinugod naman sa pagamutan ang hindi na napangalanan na kasama ng dalawang nasawi matapos magtamo rin ng sugat sa katawan.

Samantala, patay rin si Bruno habang kinukuha ang kanyang ipinastol na alagang hayop sa isang bukirin nang masapol ng kidlat sa bahagi ng Barangay Namuccayan, Sto Niño, Cagayan.

Sinubukan pang isugod sa ospital si Bruno ng dalawang kasama sa bukid subalit idineklara na siyang dead-on-arrival.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with